Wednesday, December 31, 2008

connected

after almost a month since my siblings and mom applied for broadband, we're finally online. we have a globe wireless broadband - yeah, i wish we have other options. anyway, the connection is fine (so far). we had to put the external antenna of the modem uber high, even higher than our TV antenna, just to have a line-of-sight to the nearest cell site. as of this morning, we have this speed:
we're supposed to have up to 512Kbps bandwidth but when i used speedtest.net yesterday, i got 536Kbps.

now i feel we're not living in the dark ages anymore. now that we're connected, i won't be using this much as i don't have to work at home anymore. talk about timing! so to keep our modem busy, i'm downloading torrents! how i wish i have lots of free space in my hard drive.

Tuesday, December 23, 2008

last few days

konting clarifications muna para sa mga huling posts ko. una, hindi mo kalakihan ang sweldo ko. nagkamali lang po ng tax computation kaya nagkaganun. wish ko lang talaga normal yung ganun kalaking tax para malaki rin talaga yung take home ko, pero hindi talaga. tapos, hindi po ako titigil sa pagba-blog. bahagi na 'to ng buhay ko. ang gusto ko lang sabihin ay nagresign na po ako sa huling trabaho ko. yun lang. next time talaga maglalagay na ako ng details para hindi ako misunderstood. hehe!

ilang araw na lang pasko na. susunod, matatapos na rin ang taon. pagkatapos, makakaalis na ako ng tuluyan sa kumpanya na pinagtiisan ko ng dalawang taon... at dapat talagang 'pagtiisan' ang sinabi ko! haha!

nandito lang ako sa bahay ngayon. although may trabaho pa e dito ko na lang sa bahay minabuti magwork (kahit sa totoong buhay wala na akong ginagawa dahil paalis na ako). online lang ako para sa mga ad hoc na trabaho. 'di na rin ako pumasok kasi wala na rin naman ako aabutan sa office dahil lahat ng tao naka-work-from-home mode na. hay, sa lilipatan ko wala na ang convenience na hindi umalis sa bahay tuwing lunes at makipagsabayan sa mga papasok sa opisina.

bukas, bisperas na ng pasko. noche buena na. medyo kakaiba ang noche buena namin ngayon kasi kami na lang muna ng immediate family ko ang magsasama-sama. dati, kumpleto kami sa side ng mom ko nagsecelebrate ng pasko. pero ganun talaga siguro, nagbabago ang tradisyon. marami akong nami-miss. miss ko nung mga bata pa kami ng mga pinsan ko, daming regalong natatanggap, after magsimba, tutulog muna para paggising may mga chocolates at candies sa mga medyas na sinampay sa may pinto. miss ko na ang maghapong nagluluto ng mga ihahanda. higit sa lahat, miss ko na ang lolo. sa totoo lang, si lolo dahilan para mabuo kami ng pamilya sa side ng mom ko. tuwing birthday nya, nag-uuwian mga uncle at auntie ko. at ngayong wala na sya, hindi na definite kung kelan kami nabubuo.

tama na muna ang emote. dapat masaya kasi pasko na. mamaya, susunduin na ang paborito kong pamangkin. mag-offline muna ako sa work ng maaga para ipagshopping naman sya. hay. speaking of christmas shopping, hindi pa ako tapos. mga pinsang babae ko pa lang ang may regalo sa akin. habol na lang ako siguro. tutal, may isang araw pa naman.

Wednesday, December 10, 2008

graceful exit

the hardest part in leaving, is saying goodbye.