Friday, November 23, 2007

homecoming

friday ngayon, last day of my work week. dala ko na ang travel bag ko, laman ang maduduming damit, pauwi ng probinsya. hay, ano na naman kaya ang dadatnan ko dun? kagagaling lang ng favorite at kaisa-isa kong pamangkin dun nung isang linggo, malamang hindi wala yun ngayong weekend.

more than 3 years na ako nagtatrabaho. nitong mga nakaraang buwan lang ako nakakauwi ng madalas. nagsawa na kasi ako mag-mall kapag walang pasok. mas gusto ko pa yung nasa bahay, nakakapagpahinga at nakakakain ng mainit na ulam. 'pag andito kasi ako sa maynila panay fastfood lang akong kinakain ko. ayan tuloy, pagtaba at hypertension ang inabot ko.

dahil mag-isa lang ako nabubuhay dito sa manila, lagi akong huli pagdating sa balita sa pamilya. yung tipong delayed reaction pag may namamatay kaya nung iniwan kami ni lolo, para akong timang na nag-eemote sa bus pauwi at solong humahagulgol pagdating sa amin.

sa aming magkakapatid, akong lang ang sanay mawalay sa pamilya. p'ano ba naman kasi, isa lang ang kinuhanan ko ng entrance exam nung college. 'lam mo na, sa komunidad kasi namin sa los baños, UP and others lang. heheh! ayan tuloy, sa baguio ako napadpad para mag-aral ng kolehiyo. tuwing umuuwi ako nun, nagugulat din ako. umuunlad kasi sa amin. nagkaroon ng malls, lumuwak ang sakop ng telepono at inabot ang bahay namin, at bahay narerenovate.

ilang oras na lang, pauwi na ako. ano kaya naghihintay sa akin? sana naman may surprise. lapit na birthday ko e!

0 comments: