"Ito ang bagong EDSA, ito ang bagong People Power (This is the new EDSA, this is the new People Power)," Guingona said at a press conference at the Manila Peninsula Hotel in Makati City.
source: http://www.gmanews.tv/story/70636/This-is-the-new-EDSA---Guingona
ang ganda talaga ng location ng building ko. kung walang rally sa ayala cor paseo, dito naman sa may ayala cor makati ave nagkakagulo. gitnang gitna kami. ang saya no?
akala ko makakarating ako ng office ng 11, pero halos mag12 na nung dumating ako. traffic naman kasi malala dahil kina trillanes. ayan tuloy, imbes na sa may gilid ng bvilding ako bababa e lumiko yung sinasakyan ko kaya wala ako choice kundi maglakad ng malayo. hay, umaambom pa naman.
buti na lang holiday bukas, hindi na ako papasok ng work. pero malas naman ng iba kong teammates na magrereport pa mamayang gabi at bukas.
sabi sa news ang daming tao na sa labas. hindi ko alam kung anu susunod na mangyayari... sabi ni guingona, bagong people power na raw. ewan ko ba. sino naman ang ipapalit nila kay arroyo? si trillanes? hay!
sabi nga nung mga kasakay ko sa sasakyan kanina, imbis na tumutulong na lang sila sa mga nasalanta ng bagyo e heto sila lalo pang nanggugulo. ang masasabi ko lang, sosyal sila trillanes. nung una, oakwood... ngayon naman manila-pen! sosyal no?
ang sa akin lang, 'wag na sila mangdadamay ng mga taong naghahanap-buhay. suportado ko naman sila sa gusto nilang mangyari, pero hello? forever na lang ba tayo magpi-people power?
Thursday, November 29, 2007
makati ave - the new edsa
Posted by dean at 1:20 PM
Labels: living my life, thinking out loud
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
i totally agree. may mga tangke na daw sa ayala ave ah.
-mary p.
dyuskopo, kailan ba matitigil ang mga rally sa bayan natin?
kelan kaya matatapos ang kaguluhan sa government. bakit di sila makahintay ng election. kakainis, di bale sana kung sila ang naapektuhan, kaso lalong nagdurusa ang mga karaniwang pinoy. wala na ba silang ibang means na maisip para magkuha nila ng gusto nilang pagbabago. hay. buhay pinoy.
hey, sorry po di na ko nakareply. la na kasi... hope nkauwi kna. ingats!
power to the people... but not on that way
Grabe, exciting talaga sa Makati!
(Sorry, no other insightful comment... nastrstress ako pag naiisip ko ang politics.)
Hai naku. Imbis na magfocus na lang tayo para paunlarin ang bansa pa-people-people power pa. Nakakasawa na! Hindi na effective!
Ganon talaga sa Pilipinas kung sino pa ang mga walang silbi sa lipunan sila pa ang may kapal ng mukha na gumawa ng gulo. Napakabastos talaga ni Trillanes. Hindi na sana sya tumakbo sa senado kung hindi rin naman sya marunong gumalang sa batas. Ibinigay na lang sana sa yong pwesto nya sa senado sa isang matinong pulitiko mula sa administrasyon o oposisyon. It is a hypocrasy at it's finest. Kung ginamit nya na lang sana yong posisyon nya bilang senador baka may natulungan pa sya. He's already there to make a difference but he is stupid enough not to use his position as a senator.
I'm not a graduate of psychology but base on my observation Trillanes subconsciously aim for luxuries (una Oakwood tapos ngayon Manila Pen, ambisyoso) and I also believe that he is suffering a disorder called Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD). Mas nakakahiya sya pati mga matitinong sundalo nadadamay sa kanya. Mas masahol pa sya sa mga rebeldeng NPA at MILF.
This is the decade where we achieve the highest economic growth and if the momentum will continue the next generation Filipino will live as a middle class. Tatlong taon na lang hindi pa sila makapaghintay. Husgahan nila si GMA pag-baba nya sa Malacanang sa 2010.
Post a Comment