kung may isang bagay lang talaga na pwedeng hindi ko marining, pipiliin kong hindi marinig ang boses ko!
noong unang panahon, akala ko ang ganda ganda ng boses ko... 'lam nyo na, itong abang lingkod nyo ay laging pinapasali sa koro. may pagkakataon pa nga na nakapagsolo ako! lintek na mga kasama ko, nagpalate ako no choice kundi lumabas ako mag-isa... so ganun na nga. pero dumating ang pagkakataon na narinig ko sarili ko kung pano ako makipag-usap. salamat sa etelecare qa's at pinapag-aksayahan nila ng panahon magrecord ng usapan ng kanilang mga agents. pagkatapos nun, sinumpa kong hindi ko na papakinggan ang sarili ko... diretso coaching na lang, naaala ko naman mga calls ko nun!
akala ko ako lang ang ayaw marinig ang sarili. nung nag-qa ako sa sykes, juice me, napagtanto ko na hindi lang ako nag-iisa... sop na dapat iparinig muna namin sa agents namin yung calls nila bago icoach, so ganun, pinagdudusa ko silang marinig ang sarili nilang boses! ehehehe!!
pero bakit nga ba ganun? hmmm... ewan! basta, try mong magsalita tapos pakinggan mo... 'di ba? boses palaka? wehehehe!!!
tapos heto. paglipat ko ng work, kinailangan ng voice talent para magrecord sa hotline namin... tipong sasabihin yung 'all circuits are busy now, please try your call later' o kaya 'the subscriber can not be reached...'. so ako naman, since pinapangarap ko yun, super prisinta ako ng sarili ko! kinuha ng bossing ko e ako at yung isang girl... tapos recording... tapos pinarinig sa client... tawa kami ng tawa nung deliberation ng client kung sino ang pipiliin sa amin. parang american idol daw! magtetext na lang daw sila... ehehee! tapos tapos ako nanalo.. syempre tuwa naman ako...
at heto na, recording time na. kasama ko sa room e yung boss ko, isang kaopisina at yung taga-IT namin na magpipindot para marecord ang boses ko... dami nila... kabado ako... feeling recording artist! heto na... game! basa na ng script! patapos na nung nabulol ako! pakshet! ang haba-haba ng script uulitin ko pa! ang matindi, bago magrecord uli e papakinggan muna namin ang boses ko! o hinde!! nakapikit ako at nakatakip ang kamay ko sa tenga ko! ayaw kong marinig boses ko!! waah!! ilang scripts din ang nirecord ko at sa bawat script, hindi bababa sa limang beses ako nagpaulit ulit!
tapos heto... tuwing may problema ang telecoms namin e tinatawagan namin ang hotline naman para malaman kung may problema ba talaga... syempre, titiisin ko na naman pakinggan ang boses ko! at kanina, may pinarecord na naman sa aking bago dahil magbabaskyon ang mga 'kano...
hay, buti na lang at paalis na ako sa team ko... hanap na kami ngayon ng bagong 'talent' na papalit sa boses ko... sa wakas, matatapos na ang kahihiyan ko.. hehehe! pero hanggang hindi pa nakakapili, tiis muna ng konti...
Wednesday, November 21, 2007
this is a recording
Posted by dean at 4:25 PM
Labels: living my life, work stuff
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
oks lang yan. since thanks giving ngayon. learn to thank what you have, i think you have a good voice quality para irecord nila. ang guapo guapo mo nga sa boses mo eh :)
nakakatawa naman...hehe...andito ako sa sykes sa IS dept ngayon...hahaha! i assume wala ka na dito..haha!
narinig ko na rin boses ko...pero at least ikaw...kinukuha ka pa ng ibang tao para mag-voice over..pero ako..haller...haha...ayoko rin marinig boses ko kasi mas maganda pag live siya..hehe hindi recorded...hahaha!
link ex? :) kangel here!
You're tagged bro. :)
ei!ano ba yang number ng hotline nyo ng mapakinggan ang number na yan? sana di pa napalitan. :-)
hehe! sikret yung hotline number! toll-free 800 number yun sa US, pero pwede ring tawagan yung local number dito sa manila.. hehehe!!
ngayon ko lang napagtanto, narininig pala boses ko sa US, UK, Australia, Taiwan, HK, Thailand, Singapore, Malaysia, India, Canada, Japan, Philippines, at sa kung saang saan pa. waah!
Remember Dean, I'm in the US now. Sige na. Asan na yung number? :-)
Post a Comment