medyo high pa ko pagkatapos nung trip kaya hindi pa agad ako nakapagkwento. actually, hindi ko pa rin alam kung p'ano ako magsisimula.
naalala ko lang, tinanong ako kung b'at ako sumama kahit hindi naman ako mahilig sa beach. sabi ko lang, gusto ko lang marating yung place. malay ko kung magising ako isang araw tapos grade 3 uli ako, mabuti na yung may ipagmamayabang ako sa mga kaklase ko na nakarating na ako sa mga tourist spots na dinidiscuss ka klase. saka syempre, masaya magbyahe kasama mga friends.
buti na lang, na-hire sa marge. kung 'di pa sya dumating sa dati kong team e hindi kami makakarating sa hometown nya sa pangasinan. tiempong nag-iisip kami ng pupuntahan para sa team building. buti na lang pumayag sya magstay kami sa kanila tapos silayan ang hundred islands.
as usual, delayed na naman kami sa lakad namin. lagi naman kasing may late. tapos yung balak namin na dumiretso sa hundred islands, nabago. instead, nagpunta na lang kami sa isang napaka-along beach malapit kina marge. basta alam ko lang parteng lingayen yun. lakas lakas ng alon! buti, may nakita kaming resort para pagbanlawan namin at pagbihisan kasi hindi namin matiis yung waves. after namin magsawa kakatalon at kakasalubong sa mga alon, nagkayayaan kami magpatintero. sa dami namin, kinailangan na 2 yung patotoy ng bawat teams. saya! daming nanonood sa amin. para kasi kaming mga bata. pero, hindi na kami maliliksi kaya naman walang ni-isa ang naka-score.
gabi na nung nakaalis kami sa beach. medyo malayo yung bahay nina marge. liblib pa yung lugar kaya naman wala kaming ginawa sa van kundi magtakutan. buti na lang, ang babait ng parents ni marge kasi pinamalengke na nila kami tapos pag-uwi pa namin sa kanila e luto na yung food. habang nagpapahinga kami bago kumain, sinaksak na yung dalang magic sing ni cloudy. at syempre, buena mano si marge sa mic kasi naman, nadiscover namin na recording star pala sya sa lugar nila (known as mystical marge - sapphire). nagulat kami dun, at 'di naman sya napahiya kasi naman may boses talaga sya. hay... talagang makikilala mo ang isang tao pag napuntahan mo kung san sya nakatira.
pagkahapunan, inuman na! medyo humiwalay lang yung mga ka-team ko kasi may activity sila ni arnel (TL ko dati). kasama ko na naiwan yung mga ka-project din namin. kami-kami lang muna inuman (dahil may sariling session sina arnel). 'di naman nawala yung mahiwagang bote ng puro truth! parang high school ang usapan. labasan kung sino ang may crush/pagnanasa kung sino. nung nagsama-sama na yung lahat, madami na lasing tapos yung game namin, back to zero kasi naulit na lang mga tanong for the benefit of the new joiners... hehe!
kinabuksan, yung planong 5am na pag-alis papunta sa hundred islands e naging 8am na. ang babagal kasing kumilos. tapos naligaw pa kami papunta dun. pagdating sa sakayan ng boat paikot sa islands, sabi ko, heto na yun? haha!! wish ko lang parang maldives islands yun (na panay atoll at coral beaches)... pero hindi! asa pa ako! pero anyway, enjoy naman pag nasa company ka ng friends mo.
pagdating dun, gutom na gutom na kami. pagkatapos maglunch, snorkeling ang yayaan! at dun ko lang naranasan na kami mismo yung lumangoy papunta sa gitna ng dagat para makapagsnorkeling. tapos, mga hindi pa marurunong magswim yung karamihan sa amin. ginawa namin, sabay sabay na lang kami nagpalutang lutang pagitna ng dagat. at syempre, pagdating namin sa gitna, pagod na kami sa pagfloat. yung iba, hindi na nakapagsnorkle. ako, nitry ko naman kahit papano. nashock naman ako, man-made yung coral beds. tapos ang isda, 3 klase lang nakita ko at mabibilang ko pa sila sa kamay ('di tulad sa galera at bora na ang daming fish). bago umuwi, pahinga muna tapos laro ng cards. saya mag-bluff at 1-2-3 pass.
paguwi, lobat na kami. pagod. sakit ang katawan. pero enjoy. isa pa sana.
1 comments:
wow! sana makapag gala na rin ako! woohooo!
enjoy lng=]
Post a Comment