hindi ko na kinakaya ang anim na oras na byahe araw araw. nung una akala ko ayos lang, dahil mas madaling umupo na lang sa bus kaysa maglakad ng malayo at magpalipat-lipat ng sasakyan. nagkamali ako. minsan, kailangan ko pang tumagal sa trabaho para sagutin ang tawag ng mga katrabahong nasa ibang panig ng mundo. lumalala pa ang ubo ko. araw-araw nang masakit ang ulo ko sa kakapuyat. tumataas na rin ang presyon ng dugo ko. kahit na pinipilit kong kumain ng tama gaya ng prutas at gulay ay hindi sapat yun para sa katawan ko. sinubukan ko rin uminom ng mga bitamina pero kulang pa rin ang lakas ko. hindi ko rin kaya nang mag-ehersisyo dahil sa panghihina ko. hay! anu ba 'tong pinasok ko? sana makahanap na ako ng tirahan para matapos na ang lahat ng ito. mahirap magkasakit.
Tuesday, April 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
six hours? bakit, saan ka ba nanggagaling? mahirap yan...
laguna pa po... sa victoria, laguna...
sayang yung 6 hrs... isang full tulog din yan.
6 hours na byahe... dapat magboard na talaga!
hanggang ngayon di ka pa nakakahanap ng apartment? kakapagod ang ginagawa mo, hanap ka na ng matutuluyan dyan. safe na naman dyan sa cubao.
sobrang haggard naman talaga ang 6 hours na byahe araw araw! isang oras nga lang kakabagot at kakastress na. mas magiging makabuluhan kung mag bo board ka na lang para tipid sa time. goodluck. cubao to victoria?! huwaw!
@krisjasper... sana nga pwedeng itulog sa bus... pero knowing kung gano ka-patag ang kalsada sa edsa at sa expressway, goodluck na lang...
@mao and coach... waah! ang hirap maghanap ng lilipatan!
@nathan... yup... masakit pa sa balikat at sa balakang ang matagal na pag-upo... not to mention, kung mga kadiring taong nagkakalat sa bus dahil sa hilo (you know what i mean!)
grabe naman yang byahe mo. just take a leave from work for a day and look for an appartment. magkakasakit ka nyan e!
ingats ka palagi=]
gusto ko nga, itulog na lang ang leave ko... like kahapon, holiday, natulog lang ako.. hihi!
Post a Comment