Monday, June 30, 2008

coron 1

hindi ko alam kung pano magsisimula. masyadong maraming nangyari. lahat masasaya.
- - -
una sa lahat, yung kasalan ng kapaksyon kong sina nani (now known as marci) at karl. parang kailan lang nung nagsimula kaming magkatrabaho. ngayon, nakapag-isang dibdib na sila. nakakapressure tuloy mag-asawa na rin.
- - -
april nung nalaman ko yung lakad papuntang palawan. syempre excited ako kasi hindi pa ako nakapunta dun. parang yung unang out-of-town namin sa bohol na 3 days before nung lakad lang ako nasabihan, buti na lang kakakuha ko lang nung last pay ko sa huling trabaho ko nun kaya nakasama ako. basta ang alam ko maganda sa palawan, pero masyadong malaki yung lugar. hanggang sa napagkasunduan namin na sa coron, palawan ang ang destination.
magpapabook na kami ng flight dapat sa asian spirit nun. knowing yung reputation ng airline na yun (you fly as an asian, you land as a spirit), kabado kami sa desisyon kung sa busuanga airport kami bababa. buti na lang, nacheck ko yung PAL. saktong kabubukas lang ng route ng PAL express sa busuanga kaya dun na lang kami nagpabook. nakamura pa kami ng mahigit isang libong pamasahe. pero since maliit yung airport, maliit pa rin yung plane na sasakyan namin. still, kabado kaming sakyan yung Q300 dahil bukod sa size, labas pa ang elisi nito.

mayo na nung nalaman ko na ikakasal si karl at nani. sa date ng kasal nila, saka ko lang napagtanto na honeymoon pala nila yung lakad namin.

0 comments: