Tuesday, June 17, 2008

TAX me not

matapos ang mahabang batuhan ng email ng aking pinakamamahal na HR Controller (read: nagpapasweldo) napagtanto ko na luging lugi ako sa kinikita ko. p'ano, ang mahal mahal ng bilihin ngayon, mahal pa pamasahe, ang utilities mahal rin. tapos ang sweldo ko, mahigit sa kalahati napupunta sa tax: 35% sa income tax (o, wag nyo nang alamin kung anung tax bracket ko!), tapos pag nag-grocery ka o bumili ng pagkain sa labas may VAT at eVAT. kung nisweswerte pa ko sa lugar, may local tax pa. hay!

kaya naman napapa-amen na lang ako 'pag may nagsasabing "kasalanan ni gloria yan"! sa laki ng inflation rate ngayon, walang ginagawa ang gobyerno para tulungan ang mamamayan. ang alam lang nila, mamigay ng pagkain dun sa lugmok sa hirap. e p'ano naman ang isang ordinaryong mamamayan at empleyadong tulad ko? hindi ba ako mamamayan? hindi ba ako pilipino?

sana man lang mabawasan ang tax natin. konting hinay lang sana ang gobyerno sa pangungurakot muna.

- - -

paunawa: hindi ko po pinatatamaan ang mga empleyado sa gobyerno. patukoy po ito sa mga nagpapatakbo ng nito.

1 comments:

Coldman said...

the only constant in life is.... tax. =(