Wednesday, August 13, 2008

sino ka?

nakakaasar lang talaga 'pag may mga taong hinuhusgahan ka base sa mababaw na pagkakakilala sa iyo. ang masama pa, e yung tinitira ka ng patalikod at walang kalaban-labang sinisiraan ka sa iba. sino ba sila sa akala nila?

madalas 'feeling close' na ako sa isang tao na nakakagaanan ko ng loob. hindi ako mapagpanggap. at ayaw ko sa mga taong nagpupumanggap. pero hindi naman sa konting panahong nakakasama mo ang mga tao ay nakikilala ka na nila ng lubos.

ang sa akin lang, bago sila namintas e tignan muna nila ang sarili nila. akala mo kung sino, wala pa namang nararating sa mga buhay nila! akala mo totoo, e sila mismo hindi nila maamin kung sino sila.

hypocrites!

2 comments:

MakMak said...

O sinong kaaway mo?

enrico said...

dean, relax lang. hehe. kelangan ba ng resbak? but seriously, people who don't know how to respect others don't deserve your respect as well. They don't deserve your time and energy. An unsolicited advice, just continue to show your kindness. Bka maimpluwensyahan mo pa silang maging mambuting tao. :9