Monday, September 29, 2008

bastusan

kung totoo ngang may ganto, hindi sila tao...


from Secret (2007)

Thursday, September 25, 2008

tagged

salamat sa aking HS friend na si karla, ngayon may gagawin na ko...


RULES:The rule says: Remove one (1) question from below, and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag eight (8) people on your list. List them out at the end of this post.
1. What's the most important part of a relationship?
>> isa lang para sa akin ... trust

2. Would you rather be really ugly but be the only person in the world with super powers, or be the only really good looking person but alone in a world where everyone has powers?
>> of course, gusto ko pogi ako. pogi pa lang, powers na yun. saka, aanhin ko ang powers kung sarili ko hindi ko mabago?

3. Where would you like to go to the most?
>> Santorini!

4. 1 million dollars or true love?
>> hmmm... pwede none of the above? i just wanna be happy. but i guess, my best answer would be true love. hay! sarap ng in-love.

5. When you encounter a sad moment, what do you do?
>> i sleep... and eat. a lot.

6. If you win $1 million, what would you do?
>> dollars?? half nun sa charity. 1/4 sa relatives and friends pambalato. 1/4 akin. hehe!

7. What do you love the most about last year (2007)?
>> wala! 2007 was a sad year for me. pero my experience, i think, made me stronger.

8. List out 3 good points of the person who tagged you:
>>karla: super smart, super ganda, and she's living my dream... hay!

9. How do you cope with boredom?
>> ooops. PG13 'tong blog ko. jowk! i just eat... and eat.

10. What is one thing you'll never get tired of?
>> kain! i don't get it when someone says 'it's tiring to eat'! duh! kaya ka nga kakain para lumakas ka eh!

11. What is your ambition?
>> yumaman! nagpapakatotoo lang.

12. If you have one wish, what would you wish for?
>> mawala na ang global warming na yan!

13. How did you celebrate new year?
>> medya noche with family

14. What’s your worst attitude?
>> masama ako.

15. Do you believe that someone is meant for you?
>> sana.

16. What do you think you will be doing 12 years from now?
>> my age + 12?? hmmm... working... still.

17. What did you say that you'll never be doing, but end up doing it [or at least did it]?
>> secret!

18. Why do you hate sluts like someone you know and end up hating them for life?
>> N.A.

19. If you could go back in time, what would you do?
>> marami.

20. What is your name?
>> Dean

---
ok, so i deleted 2 questions kasi sabi total daw dapat 20 e! but i'm breaking the 2nd rule. anyone na walang magawa, feel free to tag yourself. :D

Tuesday, September 23, 2008

updayt lang

medyo giniginaw ako. sabi naman ng kaopisina ko, medyo kulang nga raw yung lamig ng aircon. kahapon, habang bitin sa lamig ang lahat, ako giniginaw. 'di pa ata ako magaling. nung isang linggo kasi, ginaw na ginaw ako. yung jacket na nakatago sa drawer ko, nagamit ko tuloy. tapos lumabas ako ng opisina, naglakad papunta ng bus terminal, at kahit madilim na at alam kong mainit pa dahil sa mga pawis ng mga nakakasalubong ko, wala man lang bahid ng pawis na lumabas sa akin. kakaiba.

- - -

nakaliban ako ng 2 araw sa trabaho nung isang linggo. plano ko kasi tapusin yung
term project at iba kong requirements sa grad school. tapos anniv pa ng mahal kong lolo. e dahil giniginaw ako sa byahe ko pauwi, natuluyan na ako ng lagnat. kinabukasan, pati lalamunan ko sumama. yung plano ko na tapusin hindi ko na nagawa. hindi ko rin nakausap yung mga kamag-anak ko na nag-uwian dahil 2 araw akong nakahilata sa kama, balot na balot ng jacket at kumot.

nung gumaling ako nung sabado, babad ako sa paggawa nung
project ko. panu, deadline na kasi sa hatinggabi. habang nakasalang ang dvd ng the practice season 5, tinuturuan ko muli ang sarili ko mag-java at umiisip ng diskarte kung panu tatapusin ang proxy server application kong ginagawa. nakalimutan ko na ngang magtanghalian nun. siguro dahil na rin wala pa ako gana kumain dahil naninibago pa panlasa ko (which is so not me!). pinilit ko lang din kumain nung hapunan na para naman makapagbreak ako at relax ng konti.

30 minutes bago yung deadline, natapos ko yung project ko. buti nakapagpasa ako sa oras - opo, online kami nagsubmit sa aming moodle. nagulat na lang ako, yung dvd na sinalang ko, tapos na pala. ni-hindi ko nalaman kung anu nangyari. buti pa tatay ko, nawili sa kakapanood.

- - -

hindi muna ako pinayagan ng aking mader-dir na magtaebo nung lunes. sabi nya bili pa raw ako ng antibiotic ko at buuin ang isang linggo na pag-inom ng gamot. di nga ako nagtaebo. pero di rin ako tumuloy sa pag-inom ng gamot. yung
diet ko (matapos kong maglose ng mahigit 10 pounds), natigil muna dahil wala pa ako lakas hanggang ngayon. ayan, lamon na naman tuloy. tapos heto, giniginaw na naman ako at pinapakiramdaman ko kung may tonsilitis na naman ako. balak ko pa man ding magexercise at diet na uli bukas pero mukhang mapopostpone na naman. feeling ko tuloy bumabalik na uli yung nawala kong timbang. hay buhay!

- - -

hay, dami ko iniisip
lately. ayoko munang mag-emote. ewan ko ba, di ko nisusulat kung anu ang mga iniisip ko. siguro dahil pag nalampasan ko yung mga yun, ayokong mabasa na pinagdaanan ko ang mga ganung bagay. kahit naman kasi ngayon, in denial ako sa mga nangyayari. buhay nga naman.

Tuesday, September 9, 2008

magasin

sa moment na ito, naririnig kong tumutugtog ang eheads sa kukote ko. p'anu ba naman kasi, habang nafefriendster ako sa kalagitnaan ng trabaho napadaan ako sa profile ng isa sa mga kaibigan ko nung HS. ibang iba na sya. gulat ako!

Iba na ang 'yong ngiti.
Iba na ang 'yong tingin.
Nagbago nang lahat sa
'yoooo oh ohhh.
natutuwa akong sobra sa kanya. ngayon ko lang napagtanto ang lahat lahat. bakit nga ba hindi pumasok sa isip ko na may potensyal sya? matangkad, slim, maganda ang facial bone structure.

sobrang proud ako sa kanya. go jyas!