Monday, June 30, 2008

coron 2

una sa lahat, 'wag nyo nang pansinin ang bilbil ko. tanggap ko na na hindi tumalab ang diet ko. ok?


- - -
hindi muna kami pinauwi ni nani after matapos yung program sa reception nila. party party muna sandali. sosyal sosyalan, may ganung factor. syempre, ngayon lang uli nabuo ang paksyon kaya tumambay muna kami ng konti. naka-2 baso ng beer pa yung mga uminom sa amin bago nagpaalam.




6.20am yung oras ng flight namin na nakalagay sa ticket. 11pm na kami nakauwi. lahat ng kasama hindi pa nakapagempake kaya naman wala nang oras matulog bago umalis sa byahe. goodluck na lang talaga sa antok na pinatindi pa ng beer. 4.30am asa airport na kami. pero nasayang ang 'di namin pagtulog dahil may bagong sked ang flight sa busuanga: 9am. kumusta naman 'di ba? wala kaming nagawa kundi maghintay ng mahigit 4 na oras.

- - -

sa centennial airport, maaliw ka sa makikita mo. ang daming personalities na dumadaan. una pa lang bago kami pumasok, dumating si senator zubiri. binati pa sya ni tala ng "hi pa!" at lumingon naman ito. narinig pa ata nya na sana napicturean namin sya kaya lumingon uli. 'di na kami humabol, layo na nya at mukhang nagmamadali.
tapos habang papunta kami sa st. cinnamon para kunin ang breakfast na pampalubag loob ng PAL dahil sa walang abisong paglipat ng flight sched, nakita naman namin si senator kiko. wala sya kasama. dirediretso ring pumasok sa airport. 'di sya masyadong nagsmile smile ba. maya-maya, lakas ng bulungan ng mga tao. akala ko kung anung tsismis ang dumating. yun pala si dating pangulong erap naman ang nakita nila. buti na lang lumingon ako. eto namang si erap, mega-kaway pa. at tulad ng mga naunang pulitiko, ang daming bodyguard ang nakapalibot sa kanya at may formation sila habang naglalakad ng mabilis. hmmmm.... mukhang hindi na sinusumpong ng sakit sa tuhod si erap. bilis maglakad e. bago kami sumakay ng plane namin, nasilayan pa namin si marian rivera na kakagaling sa flight nya. asa arrival area sya kaya hindi na namin nahabol ng tingin.
- - -

saktong 8.30am, oras na nakalagay sa boarding pass namin, pinasakay na kami sa plane. 50-seater lang ata yun at medyo maliit yung upuan. konti lang kaming pasahero kaya aalog-alog kami sa loob. wala pang isang oras, nakarating na kami ng busuanga airport.



- - -
simula na ng ambechur!

coron 1

hindi ko alam kung pano magsisimula. masyadong maraming nangyari. lahat masasaya.
- - -
una sa lahat, yung kasalan ng kapaksyon kong sina nani (now known as marci) at karl. parang kailan lang nung nagsimula kaming magkatrabaho. ngayon, nakapag-isang dibdib na sila. nakakapressure tuloy mag-asawa na rin.
- - -
april nung nalaman ko yung lakad papuntang palawan. syempre excited ako kasi hindi pa ako nakapunta dun. parang yung unang out-of-town namin sa bohol na 3 days before nung lakad lang ako nasabihan, buti na lang kakakuha ko lang nung last pay ko sa huling trabaho ko nun kaya nakasama ako. basta ang alam ko maganda sa palawan, pero masyadong malaki yung lugar. hanggang sa napagkasunduan namin na sa coron, palawan ang ang destination.
magpapabook na kami ng flight dapat sa asian spirit nun. knowing yung reputation ng airline na yun (you fly as an asian, you land as a spirit), kabado kami sa desisyon kung sa busuanga airport kami bababa. buti na lang, nacheck ko yung PAL. saktong kabubukas lang ng route ng PAL express sa busuanga kaya dun na lang kami nagpabook. nakamura pa kami ng mahigit isang libong pamasahe. pero since maliit yung airport, maliit pa rin yung plane na sasakyan namin. still, kabado kaming sakyan yung Q300 dahil bukod sa size, labas pa ang elisi nito.

mayo na nung nalaman ko na ikakasal si karl at nani. sa date ng kasal nila, saka ko lang napagtanto na honeymoon pala nila yung lakad namin.

Sunday, June 29, 2008

tara

byahe tayo!

Wednesday, June 25, 2008

dalawang tulog na lang






can't wait!






Tuesday, June 24, 2008

late night call

another late night at work. got another conference call to attend. how i wish that there is only one timezone in the world.

- - -

i'm so amused when people attend conference calls. upon entering the call, participants do their intros - usually name/team name and location. sounds like a beauty pageant to me. and i wonder why people in the philippines do their intros like "hi, this is dean from manila". this is also true from other companies/projects i have worked for. people from other parts of the world say something like "kuntal from india" or "michelle from UK". well, personally i think that manila is easier to say than philippines. ;)