what this sign is for:
hindi ko talaga maintindihan ito... medicard sa wendy's? watduh!
promise sa wendy's po talaga ito. to be specific, sa may Glorietta 4 po ito, dun sa may theater. proof: aside from the suggestion box, pansinin nyo yung tray na may straw dispenser sa kaliwa. anyway, hindi ko talaga maisip kung bakit honored ang isang health card sa isang fast food. kung anu-ano na lang tuloy ang pumapasok sa isip ko.
scenario 1: naglalakad ka sa mall, tapos inatake ka sa puso. syempre, since honored ang health card mo, dun ka itatakbo sa wendy's. ipapakita ang medicard mo at sa isang iglap, may frosty ka na! pero p'ano mo kakainin yun? hmmm... mouth-to-mouth muna from the manager-in-charge? pwede! sleeping beauty ang drama!
scenario 2: gutom na gutom ka na. kaya lang wala ka na money pambili ng food dahil matagal pa ang akinse. at hindi mo napansin, nagcollapse ka na sa sobrang gutom. ano gagawin ng mga kasama mo? tatawag ng ambulansya? syempre hinde! tatawag sila ng wendy's at magpapadeliver ng biggie-sized bacon mushroom melt combo. panalo di ba?
scenario 3: super emergency situation. p'ano may accident na nangyari. super busy ang hotline sa ospital. ano solution? tawag ng wendy's! 555555! miss, pa-deliver po ng isang ambulansya!
hay, ang dami ko pang-naiisip. pero seriously, para saan kaya yun? hindi ko ma-gets e!
Friday, January 4, 2008
kindly explain
Posted by dean at 3:59 PM
Labels: living my life, thinking out loud
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
maybe it's a prank. ikaw ang napagtripan. haha. happy new year dean!
Ndi mo naman natanong kung bat meron dyan yan? hehe
kuha ka na ng health card para maavail mo ang mga services na yan. pero check mo muna kung cute ang manager bago ka magpamouth to mouth. hehehe
baka wendys is accepting advertisement na
astig naman yan, bagong pakulo siguro! hahaha!
baka ang name ng nurse ay si Wendy?
Post a Comment