hay! ang aga ko na naman sa work ngayon. 10 minutes before 9am nakapila na ako sa elevator. wala pa masyadong tao dito. well, siguro busy dahil valentimes na... ahahaha!!!
medyo pagod pa ako sa byahe. sa makati pa rin ako umuuwi kasi hindi pa ako nakakahanap ng bagong malilipatan dito sa qc. mabilis naman ang byahe, courtesy of MRT. pero goodluck naman sa effort. imagine, ang taas ng stairs sa MRT-guadalupe station (at kung bakit sa lahat naman ng stations, heto pa ang walang escalator) tapos kelangan ko pa umakyat pa para makatawid sa kabiling side ng station para sa byahe papuntang north. ang aga-aga pinagpapawisan ako... so gross! pero, i'll look at the brighter side na lang: yun lang ang exercise ko. but still, as i have said it already, effort sya!
sa MRT ko lang naranasan ang maharas (not in a sexual way, though maraming taong nakakaranas ng ganto kaya nga hiniwalay yung girls e... hmmmm... e ba't may girls pa na nakikisama sa unisex part? hmmm... siguro... ahihihi!!). dito kasi nagiging barbaric ang mga tao para lang hindi ma-late sa work. kadalasan pag tiempo talaga sa rush hour, malala pa sa sardinas ang eksena sa loob. ang nakakatawa pa e parang may magnetic field papasok pag bumubukas yung pinto ng tren. sa lakas ng tulakan sa likod mo, 'di mo na mamamalayan na nakapasok ka na sa tren.
buti na lang kahit mahirap sa MRT, hindi naman uso ang awayan. meron naman minsan minsan pero buti pasensyoso ang mga tao. minsan, habang galing ako sa work pauwi, may nakatabi ako na ale na nakasandals. e ang MRT lulubog, lilitaw at aangat sa kalsada. ayun, napaatras yung paa ko nung paakyat at 'di ko naman sinasadya na maapakan ang mga kuko nung ale. isang matinding uuuuuuuuuushhhhhh! na lang yung narinig ko sa kanya. sorry naman ako ng sorry. tapos pagtigil ng tren, buti na lang stop ko na. nung isang araw naman, yung mama nakasandals din lang. e natapilok ako sa tulakan sa loob. ayun natapakan ko uli kuko nya. goodluck na lang. buti hindi ako binugbog. nagsorry naman ako e. hay naku, kung ba't naman kasi nila naiisipan magsuot ng labas ang paa. hehe!!
konting tiis na lang ako sa MRT. hay, sana lang talaga makalipat na ako.
Thursday, February 14, 2008
dramang mrt
Posted by dean at 9:19 AM
Labels: living my life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
balemtimes na talaga!! happy season of love sa yo'!
cutesie post!
miss the days na nakakasakay pa ako ng mrt. ako naranasan ko na maharass sa mrt, sexually. :)
hahaha. naku, marami rin akong mrt experiences. buti na lang meron pa akong ibang alternative na transpo aside sa mrt. medyo kasi que ave lang to cubao ini MRT ko pa. hahaha. makapag aircon lang. hahaha!
@blackdarkheart, wish ko lang may ka-date ako.. hehe!
@coach, wish ko lang din may mangharas sa akin.
@wanderingcommuter, wish ko lang talaga hindi matraffic sa edsa para di ko na kelangang makipagsiksikan sa mrt.
I'm glad ur looking at ur situation in d bright side (exercise)... napapawisan ba ang bata,cguro try to wear tshirt muna going to d ofys tapos palit ka nalang ofys attire para fresh pa rin dating mo. I wonder how u r as a dance partner? nakakatapak ka rin kaya sa paa ng partner mo? hehehe
ayoko lang sa MRT ung nakakadikit ako sa pawisang balat ng may balat! LOL.
Dapat may service ka na para ndi ka na makiki-mass transpo... :P
@josh, i'm a great dancer. ahaha! tena, labas tayo minsan!
@ely, gustuhin mo man mag-car e maiinis lang ako dahil sa traffic. hihi!
hmmm...buti nalang la ako jan... d ko yan keri... hehe... tnx sa pagcomment mo sa blog ko...eheh...
para rin palang underground trains d2 sa london esp kung peak hours.
"e ba't may girls pa na nakikisama sa unisex part? hmmm... siguro... ahihihi!!" HAHA!
next year siguro everyday ko na mararanasan yan. hehe.
condolence na lang sa mga kuko nila, hehe.
he he. ako rin, boy riles ngayon sa tokyo. dito talaga, sa dami ng tao, meron pang taong taga tulak para lang maisiksik sa loob ang mga pasahero. halos mayupi-yupi katawan mo!
Post a Comment