Wednesday, February 13, 2008

pressure

i met an old friend yesterday. bingle yung name nya. classmate ko on my senior year at high school. magkaiba yung circle of friends namin dati, pero overall, ayus naman yung bonding ng buong batch (or should i say, class) namin.

nung college, magkaiba kami ng campus. pero after a year, lumipat ako kaya naman nagkasama kami. actually, hindi kami magiging close nun kundi dun sa "childhood sweetheart" ko na lagi nyang kasama. well, hindi ko alam kung p'ano rin sila naging close basta pagbalik ko na lang sa campus kami na magkakasama. at yung favorite naming tambayan, yung apartment nila.

syempre, napag-usapan namin ang iba naming kaklase. buti na lang at may friendster at multiply at kahit papaano may balita kami sa kanila: kung sinu-sino ang mga kinasal na, ang may mga baby na, mga naghiwalay na, mga sikat na at kung anu-ano pa. sa pag-uusap namin, parang pareho naman kaming napressure sa buhay. kaka-26 ko lang late last year, tapos sya mag-27 na this week. so magiging 27 na ako. pareho kami, single, walang investment, ordinaryong empleyado... well, 'di naman sa pangmamata pero feeling ko tuloy isang kahig-isang tuka ako. karamihan naman kasi sa mga batchmates namin, nagpapakasal, may mga kids, may pinagkikitaan. stable.

hindi naman sa nagse-self-pity kaming dalawa. syempre may blessings din naman kami. pero magpakakuba man kami sa work, hindi pa rin kami makakapag-invest ng kanya kanya naming mga bahay. (though may options naman, pero 15-30 years to pay... basta ibang usapan na yun) ang point ko lang, iba talaga pag may katuwang sa buhay. parang napag-iiwanan na kami ng panahon.

hay, heto ba ang quarter-life crisis?

5 comments:

Anonymous said...

uy... pinagtagpo ng tadhana? heheh
musta na?

Anonymous said...

Dean, kilala ko mga sinasabi mo dito. :D

Lam mo ganyan din feeling ko. Feeling ko wala akong future at walang stable career. Ang mga batchmates natin mga doctors at lawyers na... ako, wala. But if I'm not mistaken, most of our batchmates are employees too, so hindi ka nag-iisa.

Dati napagusapan namin ng sister ko yan... and we think ang nakakainis pag UP graduate ka, people are expecting that you'll accomplish big things, magiging breadwinner ka, you'll climb up the corporate ladder and all those crap. Tapos being in the supposedly "cream of the crop" you can't help but compare yourself to others. Sometimes I think, if I am just an ordinary student from an ordinary university, would I feel less pressured and more contented?

Okay... I think I digressed. Sana me sense mga sinulat ko. It's just that I feel so strongly about the topic mostly because my future is in limbo...

blackdarkheart said...

syet. ako din wala pang naipon, wala pang maipagmamalaki at wala pang shota. mag te twenfour na ako sa march. T_T huhuhu

dean said...

oy ced, barkada ko yun! nagkataon lang na asa makati sya, at sa makati pa rin ako umuuwi kaya nagkita kami...

mao, at least ako lusot ako kasi hindi ako nakagrad sa UP (at hindi ko alam kung matatapos ko ang masters ko ngayon sa UP)... hehe! sana lang bago tayo mag-30 stable na tayo... huhuhu!!

blackdarkheart, at least ikaw may shota ngayon, pero sana hindi lang sya pang short time. for economic reasons, feeling ko ikaw talaga pag may katuwang sa buhay.

Anonymous said...

Ay, sorry, my comment probably sounded obnoxious :(( ...ang point ko siguro ay pag galing ka sa competitive environment, then magiging mas ambitious at mas competitive ka. Which is sometimes bad kasi magiging mas mataas ang expectations mo sa sarili mo.