saktong 4 years yung nakaraan, nasa bahay ako ng kaklase ko tinatapos ang aming design project (thesis) para makagraduate. ilang buwan din kami ng mga ka-grupo ko na laging puyat. pero, sa kabila ng pagod namin, hindi kami nakapagtapos. nagextend pa kami ng isang sem para maayos alng lahat.
ngayon, turn naman ng bunso kong kapatid na makapagdefense ng kanilang design. ang problema, laging nasisira yung circuit nila. mga ilang beses na rin na nareschedule ang defense at bukas na ang huli. ang kalamangan lang nila, at least napapagana nila yung design nila compared dun sa ginawa namin dati. ang huling solution nila dun sa "inconsistency" ng project nila ay paltan ang mga pyesa. buti sana kung ang gagawin nila ay simple baklas-kabit lang, syempre kelangan pa nilang i-reprogram ang mga IC's nila.
wala nang funds ang mga magulang namin pantustos para sa bunso namin. hindi rin sure yung mga kagrupo nya kung makakakuha sila ng pondo pambili ng mga papaltan nilang pyesa. buti na lang may nakatabi kami kahit papano ng isa ko pang kapatid. ilang minuto lang nakakaraan, nagtext si bunso. ayun, hindi na raw nila kelangang paltan yung mga pyesang nabili nila. buti na lang may technician dun shop at may warranty yung mga nabili nila at nagawan ng paraan yung circuit.
sana lang wala nang aberya sa defense nila bukas.