Monday, March 17, 2008

4-eyed monster

nung isang linggo, habang naghahanap ako ng bahay sa may cubao hirap na hirap akong basahin yung mga signs sa mga poste. hindi ko na rin mabasa yung mga marker ng streets. dun ko nasabi sa sarili kong ayoko na ng ganun!

buti na lang may nakuha na ako sa
medical reimbursements ko. nung sabado, nagpasama ako sa mom ko para magpakunsulta ng mga mata. pero bago pa ako magpatingin, todo sukat na ako ng mga frames. grabe, ang hirap palang pumili ng salamin! may isang oras din ata akong nagsukat. ang nakakatuwa dun, hindi pa sure kung kelangan ko talagang magsalamin. pero nung matapos ako sa pagpili, binigyan naman ako ng prescription para sa lenses na gagamitin.

syempre yung
mom ko nahawa sa pagsusukat ko. ayun, pati sya humirit! buti na lang may dala akong extra! hehe! pagkatapos ng isa't kalahating oras, gawa na yung salamin namin.

medyo nakakapanibago nga lang kasi mas malinaw at mas makulay na ang buhay ngayon. pero hindi pa rin ako sanay magsalamin kaya hindi ko pa rin sinusuot ng madalas. paunawa na lang talaga pag minsan 'di ako makakilala pag nakikita nyo akong pakalat kalat.

3 comments:

blackdarkheart said...

nakapagsalamin na din ako! nakakaasiwa nga lang sa mata at yung pressure nya sa may bandang iong ay sobrang nakakairita. buti na lang ang may kasama akong friend para itry ang mga frame na bagay sa muka ko. isang linggo ko ng gamit pero dalawang araw ko pa lang sinuot ng magdamagan. LOL!

dean said...

yup, nakakairita... tapos nakakaconscious pa!!

KRIS JASPER said...

I also have to wear eyeglasses but I dont wear them.. they're just in my drawer..

di kasi bagay sa hairstyle. LOL.