suko na ako.
* * *
nung una, gusto ko lang mag-uwi para mapagod ng konti at mabawasan ng timbang ko. syempre, namiss ko rin tumira sa bahay namin at matulog sa sarili kong kwarto. pero hindi maganda ang kinalabasan. dati naman kasi, nung unang beses ko magkatrabaho at uwian pa ako nun e ayos lang sa akin. sabagay, mas bata pa ako nun... ok pa health ko.
sa call center ako unang nagwork... undergrad pa kasi ako nun. sakripisyo lang sa pag-adjust ng katawan sa pang gabing trabaho. nawalan na ako ng time para sa ibang bagay dahil itinutulog ko na lang yung natitira kong oras. 'di na ako nakapagtaebo o badminton man lang. tapos, madalas sa fastfood na lang ako kumakain. ayan, yung nawalang baby fats ko nung college e napaltan na; yun nga lang, mas dumami pa ata. 'di lang yun, parang hindi na rin maganda ang pakiramdam ko at madalas mataas ang presyon ko. hay buhay!
* * *
halos 2 buwan din ako nagtiis sa pag-uwian. pagod man ako sa byahe, binawi ko naman sa pagkain kaya wala rin nangyari. kung may nahanap lang ako agad na malilipatan nun e 'di sana hindi na ako nagpakahirap. hindi naman sa mapili ako, syempre gusto ko lang yung malinis at wala akong nakitang ganun sa cubao (kung meron man, hindi praktikal sa pang-isahang tao).
* * *
kahapon, nakakuha rin ako ng apartment. sinama ko na ang mom ko sa palipat ko para alam nya kung saan ako titira (in case anything happens). nagustuhan naman nya yung lugar at nakilala pa nya landlady ko. tapos, sinamahan nya ko bumili ng higaan ko at ibang gamit at grocery. hindi na ako nagpasama sa pagbalik ko sa apartment ko para hindi na sya mas gabihin sa pag byahe pauwi. hindi ko na rin sya naihatid sa terminal ng bus dahil malaki yung dala-dala ko.
pagbalik ko sa apartment, nanibago na naman ako sa katahimikan. p'ano, mag-isa na naman ako.
Monday, April 14, 2008
on my own again
Posted by dean at 12:14 PM
Labels: living my life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kaka enjoy yung magboard sa isang apartment not unless weird ang landlord or landlady.
good luck and parang ok naman ata ang landlady mo.
akala mo lng nagiisa ka... pero pagtulog ka may kasama ka... hehe. joke lng.
kaya mo yan. masasanay k rin=]
Post a Comment