thankfully, my dad came home 10 hours before the start of the new year. once again, we were able to celebrate our new year together. at, may pahabol pa syang papasko sa amin! syempre, binigay ko na rin yung pahabol kong gift sa kanya.
- - -
masaya ako natapos din ang 2007 ko. sabi ko nga dati, nagkakatotoo mga horoscopes sa akin.yung sabi sa hula, mararanasan ko raw mag-air travel. syempre, tuwa naman ako kasi akala ko makakapag-abroad na ako... hindi pala. pero nakapagbyahe ako for the first time sakay ng airplane. hindi lang once! so, ayun, nagkatotoo nga.
dami ko natutunan. sa dami ng problems ko sa work, finance, school, family, friends, nalampasan ko naman. i think i'm stronger and wiser now. higit sa lahat, mas nakilala ko ang sarili ko.
daring din ang 2007 ko. may mga experience na akala ko hindi ko magagawa sa mata ng buhay ko! ang bus ride, ang kumustahan with a long lost friend, at kung anu-ano pa!
ang dami ko rin dapat ipagpasalamat. syempre, number 1 na yung pagtatapos ng mom ko sa phd nya. dami kong blessings na natanggap. sana lang 'di magsawa si Lord sa akin. papakabait naman ako (well, as much as i could) lagi.
sa mga nangyari sa buhay ko, wala akong regrets. masaya ako at naranasan ko ang lahat.
salamat po.
Thursday, January 3, 2008
reflections
Posted by dean at 9:36 PM
Labels: living my life
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment