Thursday, February 7, 2008

noon at ngayon

last day ko sa previous project ko last thursday. nagsimula ako maghakot ng gamit ko last wednesday pa lang kaya nung huling araw ko, konti na lang dala ko pag-uwi.

nakakatuwa kasi nung palabas na ako ng pinto, kinausap ako ng manager namin. talagang literal na exit interview yung nangyari. usap kami, at masaya ako na ok kami.

pagkatapos nun, nagdinner kami ng lead ko (arnel) at isa pang super close na kateam (amabel). supposedly, libre yung dinner dahil sa icha-charge yun dun sa budget ng kateam ko para sa kanyang performance review meeting pero since natakam kami sa mga pagkain sa cafe breton, umorder kami ng umorder. yung rustan's GC ko na pinapalit ko kay arnel ko e dun na namin nagastos. pero ok lang, nabusog kami!

- - -

so, kumusta naman ang paglipat ko ng work? isa lang ang masasabi ko, masaya!

kapagod lang ang byahe from makati - jeep, mrt. pero pagpasok ko sa office, ayos naman. mabait yung guard (compared dun sa mga nakadestino sa makati) at talagang tinuro pa nya kung saan mismo ako pupunta. buti na lang gumana yung badge ko sa pinto kaya nakapasok naman ako sa area namin. tiempo, yung mga bagong kateam ko yung napagtanungan ko kung nasan yung bossing na pagrereportan ko. at talaga namang ina-anticipate na nila ako, at sila pa mismo nagpakilala sa akin. super feel ko talaga yung pagwelcome nila. kakatuwa. ang babait nila. pag dating ko, nawala ang pagod ko sa byahe.

hindi lang team ko yung nakilala ko at bumati sa akin. pati yung iba pa naming katrabaho (well, one big team kasi kami)... walang awkward moments... biruan agad. tiempo naman, yung isang boss ko at yung isang kateam ko nagcelebrate ng birthday nila... buti na lang nakalusot ako sa tinatawag na "first blood" pero malamang sa susunod na sweldo, tuloy na yun...

ala pa yung laptop ko kaya nakikigamit lang ako sa test pc ng isang team. ang saya kasi dito, yung connection namin ay sa labas ng firewall ng local IT namin (hehe! diretso sa global connection kasi kami nakakabit) kaya walang restrictions! pwede kahit anung messenger at kahit anung websites! pero syempre, pabibo muna. hindi uso dito umabuso ng company resources kaya dapat behave. behave lahat. at lalong behave din ako... yup! promise, cross my heart!

medyo dinudugo lang ang ilong ko sa nature of work dito. medyo matagal na rin yung huling experience ko na related sa work namin dito kaya refresh refresh lang muna. sana lang makayanan ko yung work at maabot ko man lang yung expectations nila sa akin.

basta, masaya ako ngayon. kuntento sa trabaho. career ito.

7 comments:

arjay said...

kaya mo yan. ang importante ay masaya ka sa mga ginagawa mo. hehe.

Coldman said...

I'm glad you're happy.

Hahaha! ang saya ng comment ko.

Anonymous said...

wala ng pabibo pa! diretso na sa mga porn sites kung ako yan! 2 years ko ng ginagawa ung porn-wathcing while working. effective syang stress reliever! reallY!

Anonymous said...

congrats. kakapanibago ah, tagalog ka nagsulat ^^

dean said...

salamat po sa inyong lahat!

KRIS JASPER said...

mabuti naman at ok ka jan.

Anonymous said...

huli man at magaling, Congrats din sa new place/work of assignment mo dean! Ok yang connection mo ah. Sana matagal ang assignment mo dyan kc sa kwento mo ay madali kang makaka-adjust! :)