i watched a movie by myself - something that i haven't done in 2 years. can't believe that it's been that long.
Tuesday, June 24, 2008
Posted by dean at 10:08 AM 0 comments
Labels: movie
Friday, June 20, 2008
is it in the genes?
breeding... parang pang-hayop ang term 'di ba? napakascientific. pero 'pag in-apply sa tao, ba't sinasabing 'pag walang breeding e asal hayop? at bakit may mga taong bihisan mo man o pag-aralin, hindi mawawala ang pagkahayop? hmmm... sadya bang nasa dugo ito?
Posted by dean at 10:49 AM 3 comments
Labels: thinking out loud
Tuesday, June 17, 2008
TAX me not
matapos ang mahabang batuhan ng email ng aking pinakamamahal na HR Controller (read: nagpapasweldo) napagtanto ko na luging lugi ako sa kinikita ko. p'ano, ang mahal mahal ng bilihin ngayon, mahal pa pamasahe, ang utilities mahal rin. tapos ang sweldo ko, mahigit sa kalahati napupunta sa tax: 35% sa income tax (o, wag nyo nang alamin kung anung tax bracket ko!), tapos pag nag-grocery ka o bumili ng pagkain sa labas may VAT at eVAT. kung nisweswerte pa ko sa lugar, may local tax pa. hay!
kaya naman napapa-amen na lang ako 'pag may nagsasabing "kasalanan ni gloria yan"! sa laki ng inflation rate ngayon, walang ginagawa ang gobyerno para tulungan ang mamamayan. ang alam lang nila, mamigay ng pagkain dun sa lugmok sa hirap. e p'ano naman ang isang ordinaryong mamamayan at empleyadong tulad ko? hindi ba ako mamamayan? hindi ba ako pilipino?
sana man lang mabawasan ang tax natin. konting hinay lang sana ang gobyerno sa pangungurakot muna.
- - -
paunawa: hindi ko po pinatatamaan ang mga empleyado sa gobyerno. patukoy po ito sa mga nagpapatakbo ng nito.
Posted by dean at 3:00 PM 1 comments
Labels: thinking out loud
lagot ka ngayon
heto na naman ako... balik uli sa pagboblog. isa lang ibig sabihin nito: asar ako.
- - -
minsan sinubukan kong kumuha ng teaching load sa isang college. pagkatapos ng demo ko, tinanong ako kung gaano ako kaistrikto. sabi ko, super strict ako lalo na 'pag may maling ginagawa ang subordinates ko. kumunot lang ang mga noo ng college dean at ibang professors na nanood sa demo ko. di ko sila masisi, mukha akong cute este mabait. p'ano ba naman kasi, hindi mawala-wala ang ngiti ko nun dahil sa kaba.
hay! kasalanan ko bang smiley face ako? 'di pa nila ako kilala. ang masasabi ko lang, don't judge the book by it's cover, at looks can be deceiving. panalong clichés di ba?
- - -
minsan, sinabi ng boss ko na masungit daw ako mag-email. 'di nya ko masisi. alam naman nya kasi na sa buong karanasan ko sa pagtatrabaho, mga kano ang kausap ko. lagi akong direct to the point at limitado ang paggamit ko ng salitang "please".
- - -
simula nung nagtrabaho ako, hindi ko naranasan na bayaran ako kada-araw o kada-oras ko sa trabaho. naranasan ko lang, e yung pasahurin ako kada-segundo. salamat sa industriya ng "outsourcing", masyadong nasusulit ang mga pinoy. nuong nasa call center ako, bawat late ng ilang segundo, bawat maling pindot sa telepono para sa mga breaks at aux work ay kinakaltas sa sweldo. minsan hindi na makatarungan lalo na kung may mga tawag ng kalisakasan.
dun ko nakuha ang work-ethic na meron ako ngayon. natutunan ko na hindi mahalaga na may output lang sa trabaho: na dapat ay may quality, na dapat ay asa takdang oras, na dapat ay walang ibang nakaliligtaan.
- - -
sa buhay tech support agent ko rin naranasan kung kelan at p'ano gamitin ang mga salitang "please" at "sorry". hindi sa hindi ko alam gamitin ang mga yun, pero natutunan ko kung kelan ba sila appropriate gamitin.
- - -
malamang alam na ng nakakabasa nito ang kinaiinisan ko. oo, tungkol ito sa mga taong hindi marunong magtrabaho ng matino. sa totoo lang, wala akong pakialam kung anuman o paano ginagawa ng isang tao ang trabaho nya. ang sa akin lang, gawin nya ito ng tama. wala akong pakialam kung marami syang trabaho, o may ibang pinagawa sa kanya o kung anumang palusot na meron sya. hindi na sya bata. yung una at pangalawang beses na pagkakamali dapat natuto na sya. hindi ko na maaring palampasin ang nangyari. sana magtanda na sya.
Posted by dean at 2:20 PM 1 comments
Labels: thinking out loud, work stuff
Wednesday, June 4, 2008
nognog
Posted by dean at 4:52 PM 4 comments
Labels: getting somewhere, living my life