Showing posts with label getting somewhere. Show all posts
Showing posts with label getting somewhere. Show all posts

Thursday, January 14, 2010

human billboard

i was on my way home when i saw these guys:

Photobucket
[click image to enlarge]

here's a closer look:
Photobucket
[click image to enlarge]

makes me think... are they:
1. the new mascots
2. proving that the pain med in their ad is really effective (imagine standing there for God knows how long)
3. in a reality tv show (the pot money must really be high... too much hazard, i.e. pollution, noise, back pain, etc!)
4. mga taong-grasa na dinamitan at dapat ipakita kung sinu ang sponsors...

Monday, June 30, 2008

coron 2

una sa lahat, 'wag nyo nang pansinin ang bilbil ko. tanggap ko na na hindi tumalab ang diet ko. ok?


- - -
hindi muna kami pinauwi ni nani after matapos yung program sa reception nila. party party muna sandali. sosyal sosyalan, may ganung factor. syempre, ngayon lang uli nabuo ang paksyon kaya tumambay muna kami ng konti. naka-2 baso ng beer pa yung mga uminom sa amin bago nagpaalam.




6.20am yung oras ng flight namin na nakalagay sa ticket. 11pm na kami nakauwi. lahat ng kasama hindi pa nakapagempake kaya naman wala nang oras matulog bago umalis sa byahe. goodluck na lang talaga sa antok na pinatindi pa ng beer. 4.30am asa airport na kami. pero nasayang ang 'di namin pagtulog dahil may bagong sked ang flight sa busuanga: 9am. kumusta naman 'di ba? wala kaming nagawa kundi maghintay ng mahigit 4 na oras.

- - -

sa centennial airport, maaliw ka sa makikita mo. ang daming personalities na dumadaan. una pa lang bago kami pumasok, dumating si senator zubiri. binati pa sya ni tala ng "hi pa!" at lumingon naman ito. narinig pa ata nya na sana napicturean namin sya kaya lumingon uli. 'di na kami humabol, layo na nya at mukhang nagmamadali.
tapos habang papunta kami sa st. cinnamon para kunin ang breakfast na pampalubag loob ng PAL dahil sa walang abisong paglipat ng flight sched, nakita naman namin si senator kiko. wala sya kasama. dirediretso ring pumasok sa airport. 'di sya masyadong nagsmile smile ba. maya-maya, lakas ng bulungan ng mga tao. akala ko kung anung tsismis ang dumating. yun pala si dating pangulong erap naman ang nakita nila. buti na lang lumingon ako. eto namang si erap, mega-kaway pa. at tulad ng mga naunang pulitiko, ang daming bodyguard ang nakapalibot sa kanya at may formation sila habang naglalakad ng mabilis. hmmmm.... mukhang hindi na sinusumpong ng sakit sa tuhod si erap. bilis maglakad e. bago kami sumakay ng plane namin, nasilayan pa namin si marian rivera na kakagaling sa flight nya. asa arrival area sya kaya hindi na namin nahabol ng tingin.
- - -

saktong 8.30am, oras na nakalagay sa boarding pass namin, pinasakay na kami sa plane. 50-seater lang ata yun at medyo maliit yung upuan. konti lang kaming pasahero kaya aalog-alog kami sa loob. wala pang isang oras, nakarating na kami ng busuanga airport.



- - -
simula na ng ambechur!

coron 1

hindi ko alam kung pano magsisimula. masyadong maraming nangyari. lahat masasaya.
- - -
una sa lahat, yung kasalan ng kapaksyon kong sina nani (now known as marci) at karl. parang kailan lang nung nagsimula kaming magkatrabaho. ngayon, nakapag-isang dibdib na sila. nakakapressure tuloy mag-asawa na rin.
- - -
april nung nalaman ko yung lakad papuntang palawan. syempre excited ako kasi hindi pa ako nakapunta dun. parang yung unang out-of-town namin sa bohol na 3 days before nung lakad lang ako nasabihan, buti na lang kakakuha ko lang nung last pay ko sa huling trabaho ko nun kaya nakasama ako. basta ang alam ko maganda sa palawan, pero masyadong malaki yung lugar. hanggang sa napagkasunduan namin na sa coron, palawan ang ang destination.
magpapabook na kami ng flight dapat sa asian spirit nun. knowing yung reputation ng airline na yun (you fly as an asian, you land as a spirit), kabado kami sa desisyon kung sa busuanga airport kami bababa. buti na lang, nacheck ko yung PAL. saktong kabubukas lang ng route ng PAL express sa busuanga kaya dun na lang kami nagpabook. nakamura pa kami ng mahigit isang libong pamasahe. pero since maliit yung airport, maliit pa rin yung plane na sasakyan namin. still, kabado kaming sakyan yung Q300 dahil bukod sa size, labas pa ang elisi nito.

mayo na nung nalaman ko na ikakasal si karl at nani. sa date ng kasal nila, saka ko lang napagtanto na honeymoon pala nila yung lakad namin.

Sunday, June 29, 2008

tara

byahe tayo!

Wednesday, June 25, 2008

dalawang tulog na lang






can't wait!






Wednesday, June 4, 2008

nognog

yep, ako po yung nognog. panu, katamaran maglagay ng sunblock tapos sasabak sa mahigit tatlong oras na island hopping. ito tuloy napala ko. hay! sayang ang gluta!





ngayon, tiis muna ako sa sakit ng sunburn ko. mahapdi na nga, nakakahiya pa at nagpapalit balat ako. waaah!





Monday, October 15, 2007

take me back

warning: this is a very long post.
- - -
it's monday... the only day of the week when i feel my importance at work. well, i'm in-charge of our reports and my managers need those for their weekly call with our client.

my one week's work can actually be compressed to a day. yeah, i'm that good! but i can't live like this, so i need to balance my workload throughout the week. syempre, dapat magbusy-busyhan paminsan minsan ng hindi nasisita! matapos ang hindi kanais nais na performance review ko for last year, hindi ko na binalak magpabibo pa.

at dahil napakuluwag ng trabaho ko ngayon, ubus-ubos ang leaves ko. so pagkatapos ng final exam ko, tiempo nakaschedule ang trip ng paksyon ko sa bora, oct 6 - 9. at dahil masipag ako, nakaleave ako ng oct 8-10, syempre naman kelangan magbawi ng lakas, at kaya ko namang tapusin ang work ko ng isang araw. at akala ko magiging masaya ako... kung bakit naman kasi nauso ang Eid al Fitir, yung 2 araw na natitira kong ipapasok e nabawasan pa. at heto pa matindi, since anniversary ng team ko natural daming pinagawang ad hoc na reports sa akin para ma-award-an ang mga pabibo kong teammates. kumusta naman di ba? yung trabaho ko dapat, yun pa ang hindi ko nagawa. kaya heto ako, ngarag... 3 crucial reports dapat matapos ng alas singko ngayon!

i'm sitting at my new workstation, our airconditioning system is set to low, i'm still hungry and i don't feel well. ok, enough of intros. i didn't blog today to talk about work.

i wanna talk about my vacation. so take it away ida!

time space warp, ngayon din!

- - -

oct 5. late na ako natulog. actually, 1am na (oct 6) nung mahiga ako. dami ko pa kasi niplantsa, plus nag-ayos pa ako ng gamit dahil maglilipat na ako ng boarding house pagbalik ko. pinilit kong makatulog, pero problema ko na talaga simula pa nung bata ako na 'pag kelangang magising ng maaga e hindi na ako nakakatulog.

oct 6. bumangon ako ng 5am. text text sina grace at rej kung paalis na sila. syempre, ayoko naman maghintay sa kanila ng matagal. by 6.20, nasa domestic airport na ako. gutom. buti na lang may fit n' right akong baon na juice (asa pa talaga ako na last minute mamayat!) pero teka, walang garbage can. pasimple tingin-tingin sa mga tao... basta na lang sila nagtatapon ng basura. pero ako, may style magtapon. nilapag ko yung travel bag ko sa may wall tapos sa pagitan ng wall at bag ko, nilagay ko yung can ng juice. tayo ng tuwid. hintay hintay lang tapos dumating na si rej. kwentuhan konti then maya-maya dumating na si grace at yung papa nya na aussie. syempre, pasok na kami sa loob. ayan, hindi halata na akin yung can na naiwan! di ba! hehe!

so, ni-introduce ni grace si pete (yung aussie). yung more than 2 years experience ko sa call center, at take note: naging QA pa ako, e parang nawala. umurong dila ko. yung english ko naiwan ata sa apartment. pareho kami ni rej. dumugo ilong at tenga namin dun sa aussie. good luck na lang talaga sa aming apat!

kwento ni grace, pang 2nd time na raw ni pete sa bora. tukmol na yun, naunahan pa kaming mga pinoy dun! kaming 3, first timers! waah!

pag pasok namin sa loob ng terminal, syempre food agad ang hanap ko. hindi pa ko lumalamon e. nagyaya akong kumain. then mamaya may sinabi si pete sa akin. hindi ko na-gets syempre. yun pala nitatanong lang nya kung hindi rin ako nagbreakfast. tukmol na yun, di ba obvious na gutom na ko? hehe!

boarding time. supposedly, katabi ko si rej at pete. pero syempre, pinilit namin tumabi si grace sa amin. si pete dun sa kabilang side ng aisle. hay... sa wakas, bora here we come!

past 10am na nung nagland yung plane namin sa kalibo. daming nang-aalok ng van. syempre sakay naman kami dun sa isa. pero wait pa rin ng passengers yung driver, kaya hanap muna kami ng restroom nina grace at rej. tinuro kami nung mamang driver sa isang carinderia. nauna nagwiwi si rej, then si grace, then ako. pero si rej, sinama ng tyan. ayun, nagpoopoo muna... hehehe!! salamat na lang hindi kami sinita nung mga nagtitinda ng food kasi wala naman kami binili, gumamit pa kami ng banyo at tubig. hehe! pagbalik sa van, syempre nakasimangot na lahat ng tao. kaming 3 na lang kasi hinihintay. wala na palang ibang pasaherong nagdagdag.

andar na yung van. maya-maya, may mamang biglang tumawid dun sa curved road. ayan, nagpagewang gewang tuloy yung van nung biglang nagbreak si mamang driver. napasigaw kaming lahat. exciting! hehe! then maya-maya, tulog na kaming lahat.

pagdating namin ng port, after magbayad ng environmental eklat at kung anu-ano, sakay na kami ng boat. wala namang nangyaring kakaiba sa boat, pero pansin ko yung isang tao dun tumitig sa akin... hehehe!! may moments tuloy kami. sayang nga lang hindi kami pareho ng resort.

baba na kami ng beach. kala ko yun na, pero isa pa palang tricycle ride yung sasakyan namin. sabi ni rej, maganda pa raw sa kanila sa siargao yung beach. anyway, extra-challenge talaga yung trip dahil dun sa lubak-lubak na kalsada. kakaiba yung tricycle kasi parang jeep yung likod, except na 2 pasengers lang yung kasya (pero pwede ata 4 basta alang bag). kami ni rej, sumakay sa likod at halos mahulog kami dahil sa lubak-lubak na daan. tapos, tinaas taas ng sikat ng araw nung dumating kami, biglang umulan.

almost noon na nung dumating kami sa station 2. malakas na yung ulan nun kaya hindi na kami naipasok ng tricycle. pray kaming matigil na ulan pero hindi malakas prayers namin kasi hindi naman tumigil ulan e. may nakita kaming restaurant. sabi namin, since gutom na kami kain muna kami dun! since malapit lang, sugod kami sa ulan. hindi naman kami masyadong nabasa.

pagpasok sa restaurant, nashock kaming lahat! pano ba naman, beerhouse pala yun! upo kami sa isang mesa. nagrequest yung 2 girls ng ilaw. nagbukas nga ng 2 ilaw: incandescent bulbs. wa-epek! madilim pa rin. order kami food. chicken lang tinda nila. panay native chicken. ang kunat!

ask namin yung waitress kung saan yung resort namin. sabi nya dun lang daw sa likod ng beerhouse. super layo sa beach! nadaya si grace nung nagpareserve sya. sabi sa kanya 1 minute away lang daw from beach! decide kami na lipat. after kumain, maambon pa rin pero nauna na nagpunta si grace dun sa resort. ask nya kung pwede kunin namin yung ni-down para lipat kami. di sila pumayag kaya pagdating namin dun sa resort, niconsume na lang namin yung downpayment namin. lilipat kami kinabukasan.

punta na kami sa rooms namin. si rej at grace magkasama sa room habang ako at si pete yung magkasama. yung rooms namin, may door sa gitna para makapasok kami sa kabilang room na hindi lumalabas sa room namin. gets? basta ganun yun! si rej, nagbihis muna. so, niclose yung door sa gitna. si pete, bigla akong nichicka. dumugo na naman ang ilong at tenga ko, kaya naman call for help ako kay grace. nakasilent pala phone nya kaya alang epek. goodluck talaga! buti na lang maya-maya binuksan na rin ni grace yung pinto. usap na sila ni pete. nung tumila yung ulang ng konti, punta na kami sa beach.

kadiri yung daanan papunta sa beach. pano ba naman kasi, baha. plus yung resort, katapat ng garbage disposal nung beerhouse. eeew! as in uber eeew talaga! tapos, may dinaanan pa kami na parang talipapa. baha din! mega eeew na to! bago pa kami makarating ng beach, umulan na naman ng malakas. basang basa na tuloy kami.

pagdating sa beach, grabe, disappointed kami. sabi namin, heto na ang bora? parang over-rated ata. mas maganda pa bohol. tapos syempre, lakas ng hangin at ulan. parang may bagyo (e may bagyo naman talaga sa manila bago kami umalis). pansin namin, may "wind-shield" yung beach pero maginaw pa rin. labas ng wind shield thinggy. kami ni rej, nanginig sa ginaw! malakas hangin pero humina na ulan. then, lakad lakad kami to look for another place to stay. tiempo, may nakita agad kami at mas mura dun sa resort na nauna naming pinuntahan.

balik na kami sa rooms namin. naligo muna ako, then nakatulog. pahinga muna. lumakas pa yung ulan kasi.

nagising ako mga 7pm na. gutom na uli kami. punta kami beachfront para hanap ng makakainan. napili namin yung eat all you can. 260 yung buffet, pero hello naman sa 12% vat! laki na nga ng tax ko sa salary e dami daming pang vat vat na yan. anyway, dami namang food. naempatcho ata ako sa 2 balik ko sa buffet table. lahat timikman ko (pasta na hindi ko alam yung tawag, veggie salad, chicken, pork, beef, fish na hindi ko alam yung mga luto!), maliban sa osyters. sirang sira ang diet! pero hello naman, minsan lang toh! minsan na nga lang ako magbuffet at lalong minsan lang ako magbora! tinodo ko na! sa kabusugan, di na ako nakapagdessert. buti na lang at medyo umambon kundi, tatagal pa kami dun! hehe!

walk kami sa beach after magdinner. tingin tingin. picture picture! then balik na sa room. speaking of picture, dadagdagan ko pa sana yung mga nakapost na pero since sa flicker nag-upload si rej ng pics, hindi ko makita kasi blocked ang flicker sa office. next time na lang... hehe!!

oct 7. gising kami mga 7am na. nauna bumaba si grace at pete papunta dun sa may kainan nung resort. sumunod kami ni rej after namin magmumog at magwash ng face. buffet din yung breakfast. pero ako lang nagkanin! sila nakuntento sa bread at dun sa french toast. as usual, nilantakan ko lahat: hotdogs, scrambled eggs, daing na bangus, etc etc... basta ang hindi ko lang pinansin e yung red egg dahil ayaw kong mamula daliri ko. hehe! after breakfast, naligo na kami at lumipat na kami dun sa resort sa may beach front. nga pala, isang room na lang yung kinuha namin kasi magkalayo yung available rooms tsaka malaki naman yung room na nakuha namin.

pagdating namin dun sa may beach, natuwa kami kasi maaraw at naappreciate na namin yung beach. in fairness, maganda rin yung beach pero andun pa rin yung wind shields. hehe! daming lapit ng lapit inaalok ng tutuluyan namin, pero sorry sa kanila kasi may lilipatan na kami. after namin baba ng gamit at magbihis punta kami sa beach para sa picture picture. then may lumapit, ask kung gusto namin magboating boating. syempre dun sila sa puting aussie lumapit. lam nilang kuripot pag pinoy. usap sila. akala ko ok na, pero nagpabraid muna si grace at nagpahenna si rej. tapos pansin namin, yung mamang kausap nila sa boat ride naghihintay. e almost 11 na nung matapos mabraid si grace kaya sabi namin dun sa mamang boat, kitakits na lang kami kinabukasan.

lakad lakad kami para hanap ng makakakainan. syempre, kain kami ng maaga dahil wish namin mapanood ng live si pacquiao. lakad lakad kami papuntang d'mall. tapos sa hindi malamang kadahilanan nakita namin yung dating kaopisina namin sa sykes na si desiree! pagkakataon nga naman! small world! as in bilog ang mundo! huh? connection? basta ganun! matapos ang batian, tuloy kami sa paghanap ng food. pero maya-maya nakasalubong uli namin sina des. muntik pang pareho yung kakainan namin. habang wait kami ng order namin, dumating si des tapos sa photo ops ang more chika. ni-invite nya kami inom later that night, syempre, oo naman kami dahil wala kaming mahanap na iinuman the night before at malay namin kung may alam na gimik place si des dun!

after lunch, balik kami dun sa new resort namin. watch kay pacquiao. buti na lang nanalo sya! hehe! after nun, hanap ng UAAP game si rej at grace tapos nakatulog ako. pagkagising ko, syempre past 4pm na, so punta uli kami beach kahit mataas pa ang araw. picture picture uli then swim kaming lahat. medyo low tide kaya ang babaw ng tubig. ayaw naman namin pakalayo, mahirap na matangay ng alon! hehe! tapos, alis kami ni rej at iwan namin si grace at pete para mag-moments. gala kami ni rej papunta station 1 para hanap ng pwedeng puntahan sa gabi, pero wala pa rin!

an hour past na siguro nung balikan namin si grace at pete. ala na sila sa beach at nakita namin sila sa room. nope, walang censored moments kaming nakita. ligo kaming lahat then punta na kami d'mall para hanap uli ng makakainan.

wala kaming magustahan sa mga menu ng food establishments kaya nagburger na lang kami. busog kami sa quarter pounders naming 3 pinoy... si pete, half pound yung kinaing meat sa burger. lakad lakad kami pagkatapos then lakad lakad ulit para hanap ng matatambayan. maya-maya, nagdecide na kaming uminom. bad trip si rej kasi yung una naming napiling inuman walang red horse! lakad lakad kami hanggang tangayin kami ng mga buhangin bandang boracay regency tapos napatambay kami sa isang sosyaleng bar. yung waiter, naenganyo kaming pumunta dun sa underground bar nila kaya sumunod naman kasi. tig-isang redhorse kaming mga pinoy habang si pete nagbloody mary. kami mga pinakaunang guest sa bar tapos medyo maliwanag pa nun kasi may meeting pa yung band. si rej, picture taking galore tuloy dun sa loob ng bar at isinama pa yung isang bar tender.

umalis kami after maubos ang beer at paghatian ang 7 shots na inorder ni rej. lipat kami dun sa bar na sinabi ni des. dun, no choice kami kundi magsan mig light. si rej antok na kasi ang tagal ni des. si grace at pete busy sa moments nila... hehehe!! maya-maya dumating na si des para magpaalam na babalik daw sya sa amin dahil magpoopoo muna sya. tapos may nagsayaw bigla sa kalapit na bar na may fire-ball something. aliw naman kami... then, after 48 years bumalik sya tapos order kami ng cocktails at kwentuhan at pictures ulit. nag-eenjoy pa lang kami nung lumapit yung waiter para sana order kami pero sabi nya magclose na ang bar ng midnight. hello? nashock naman kami dahil ang aga-aga nagsara na sila. lipat sana kami sa iba pero halos wala na rin bukas. bye bye na kami kay des kasi kinabukasan balik na sya manila.

pagbalik sa room, diretso ako sa CR dahil wiwi na wiwi na ako. then si rej naman. tapos pumasok si grace. ayaw naman naming duguan ng tenga at ilong kaya nagpaalam kami ni rej na lalabas muna kami. lakad lang kami, kain ng isaw then pagbalik namin ng room, sleeping time na.

oct 8. nagising kami past 8am na. lampas na sa takdang oras para imeet namin yung mamang boat. lampas 9am na nung lumabas kami para magbreakfast. order kami, tapsilog, tocilog, longsilog. hehe! after namin magbreakfast, may kumausap sa amin na isa pang mamang boat. ayun, pumayag sila grace kaya natuloy na kami sa wakas magboat.

akala namin dun lang sa may station 1 yung sasakyan namin, pero dun pala sa kabilang side ng island. extra-challenge yung effort namin. biro mo, daan kami ulit sa talipapa, then sa isang eskinita na makitid, tapos dumaan pa kami dun sa isang drainage system na ginagawa bago marating yung sasakyan namin. sabi nila grace at rej, dun kami ibaba sa may pinanggalingan naming beach! kapagod naman kasi e.

nagboat kami, punta crystal cove, then snorkeling para makita sina nemo (pronounced with a short e and short o as in ne-mo... siguro pinsan nila yung nasa cartoon na nemo - with the long e and long o vowels)... tanghaling tapat nung nagsnorkeling kami kaya goodluck naman sa sunburn! pag-ahon ko sa boat, nagulat ako may buko! inom kami ng buko juice tuloy! then binaba kami sa isang island para maglunch, pero hindi kami naglunch. naligo lang dun sina grace at pete habang si rej pinalibutan ng accessories (bracelet, necklace, etc.) vendors. ako sandali lang naligo sa beach kasi naman tanghaling tapat!

binaba kami ng boat sa may station 1. diretso na kami naglunch dun sa may chicken inasal na resto. syempre, order ko yung fav part ko ng chicken na paa (leg and thigh). after kumain, napansin ko yung isang korean girl dun sa adjacent table namin. andun na yung food nya sa harap nya pero palingon lingon muna sya. saka ko lang nalaman na hindi nya alam kung pano kainin yung food. pano ba naman kasi, self-service yung resto at hindi sya binigyan ng utensils. atan tuloy, kung rice na nakabalot sa dahon ng saging e kinain nya na parang cake tapos pinapak yung ulam. gusto ko sana bigyan ng spoon and fork nung tumayo na kami kaya lang naisip ko, chopsticks nga pala gamit nila sa kanila... hehehe!!

balik kami sa room para maligo at magpalit ng tuyong damit. pagkatapos, nagshopping sila ng pasalubong. hindi na ako namili kasi wala naman akong nakitang maganda. kung may kakaibang delicacy sana dun e di sana bumili ako, kaso wala.

after mamili, ligo ulit kami sa beach. hinintay namin yung sunset bago kami umahon. paalis na kami ng beach nung narinig namin na may group na nagtatambol. syempre, usyoso naman kami. take namin sila ng pics at video. hehehe!!

nung pabalik na kami sa resort, may nakita kaming eat-all-you-can the seafoods. nagdecide kami na dun na lang kami kakain. after maligo, balik kami dun para lumamon. hehe! sulit yung kinain namin sa dami!

tulog kami mga 10pm na. maaga pa flight namin kinabukasan kaya dapat pahinga na.

oct 9. nagulantang kami sa alarm ng cellphone ni grace bandang 4:30am. madali kaming naligo. pagkatapos namin, hinatid kami nung mamang guard nung resort sa sakayan ng tricycle. hindi na namin nakita yung beach man lang. hay!

medyo matagal yung byahe sa van. dun na kami kumain sa terminal. pagod kaming lahat, pero happy. comment ko lang, walang singing duo sa airport unlike dun sa bohol... hehe!

anyway, i can't wait for our next adventure. next time baka sa palawan kami. pero may possibility rin na sa dakak o dun sa place nina rej sa siargao. sana lang, kasama na ulit ang buong paksyon!

- - -

i wrote this blog for 4 hours. multitasking ako dahil habang download ng data e heto ako nagsusulat. hemingways, tapos na yung 2 reports... isa na lang!!

sige, 'till next blog!