can't believe that i haven't posted for more than a month... so now where do i start?
here i am, killing time. my shift for the week starts at 11.30am. i don't like this shift much as it doesn't give me enough time to go to the gym. (yes, i'm back in the gym!) so to compensate for the time for not being in the gym for this week, i'm doing laps in the pool. (yup, may pool po dito sa may tinitirhan ko ngayon, shala di ba?)
all these things to keep me fit (again) is really burning me out. i hate aching muscles - muscles that really haven't made their presence shown in me (dahil labas pa rin ang katabaan ko!). but i'm hoping i won't get tired of this. you know what they say - no pain no gain -, and - beauty is pain.
- - -
work - would you believe - is good (would you believe?). as in, hindi ako makapaniwala na naaaliw ako na nagwowork ako ng todo - i think nasabi ko na 'to nung last post ko. hindi ako naiinip matapos ang araw ko. well, let's see if i still could remain positive at work 'til i start working in 12-hour shifts. (well the plan was for us to work on 12-hour shifts with 4 days of work and 4 days of rest - panalo di ba? haba ng bakasyon - pero parang araw-araw overtime. hmmm... so may oras maghanap ng ibang work? no, no, no! dean - be good!)
- - -
my mom will be celebrating her 50th birthday on saturday (birthday is actually on friday). don't know if she already had finalized her plan for her big day. 2 weeks ago ko pa nabigay yung gift ko for her - and she's really happy with it. haha! anyway, i can't believe that she's that old. it feels like she's the same when we were young.
- - -
i can't think of anything right now... anu 'to - writer's block? haha! feeling writer! now, i'm off to the pool. 'til next time!
Thursday, February 26, 2009
still here
Posted by dean at 7:34 AM 2 comments
Labels: family matters, living my life, work stuff
Thursday, January 22, 2009
busy me
lately, parang napaka-detached ng pakiramdam ko sa mundo. 'di ko na halos maramdaman ang takbo ng oras. kung dati nasa akin lahat ng oras para magawa ang gusto ko, ngayon e talagang kumakayod ako magtrabaho.
it's not that i'm complaining. sa mahigit na 2 years, ngayon lang talaga naging applicable sa akin ang salitang busy. kahit hindi pa gaano ako sumasabak sa bago kong trabaho, parang ang dami ko nang ginagawa. ang nakakapagtaka, hindi ako nagrereklamo. as in so not me talaga. ni hindi ko nga maisip na mag-snacks or kahit coffee break e. kakaiba.
so enjoy ba ako sa ginagawa ko? siguro... pero wish ko lang talaga magtuloy tuloy ito at hindi ako mapagod. sana lang this time magtagal na ako sa work.
Posted by dean at 8:10 PM 2 comments
Labels: living my life, weird, work stuff
Friday, January 9, 2009
new year
january 9 na pala. 'di ko man lang napansin ang bilis dumaan ng mga araw. p'anu ba naman kasi, dami ko pinagkakaabalahan. una, new job. syempre since iba na workplace ko, iba na rin tinitirhan ko.
sa haba ng bakasyon parang ang dami kong nagawa, pwera magdiet. hehe! ultimo pasko, habang ang mga kapatid ko ay umalis papunta sa kani-kanilang lakad, at ang aking mom ay bumisita sa kapatid, pinili kong magstay sa bahay. naisip ko, aba malapit na new year at ang kalat kalat ng kwarto ko kaya ayun, naglinis na lang ako. naglinis = nagwalis ng sahig, floorwax, rearrange ng kama at mga lamesa at mag-ayos ng movie collection ko (movies ha, hindi porn dahil wala ako nun!).
nung dec. 27, lumuwas naman ako ng makati para maghanap ng lilipatan. bigo ako. sayang ang pagod at pamasahe. totoong mas mahirap maghanap ng bahay kaysa ng trabaho. hay! pagkatapos ng new year, lumuwas uli ako para hanap ng bahay. sumama mom ko para makita kung san ako titira at para makapagshopping na rin sya habang asa kamaynilaan. since ayaw ko na mapagod kumuha na lang ako ng bedspace sa isang condo. wala kasi solo room for now kaya dun muna ako hanggang may mabakanteng solo na room. jan4 nung lumipat ako. tiempo, natuloy ang lagnat ko. buti natulungan ako ng bunso kong kapatid na magbuhat ng mga gamit sa dati kong apartment (na sya na ang nakatira ngayon). gabi bago ang unang araw ko sa work, ang taas ng lagnat ko.
kinabukasan, medyo ok na pakiramdam ko kaya nakapasok ako. nakita ko mga makakasama ko sa work at lahat sila mababait. kabiruan na nga kami agad lahat e. syempre kami kami magkakaclose kasi kami mga unang tao sa team. yung company, kahit bangko ay hindi naman mukhang naghihirap global financial crisis. p'anu ba naman kasi, daming libreng food. bukod sa libreng kape at iced tea at milo na common sa mga opisina, may libreng canned softdrinks bottled juices pa (tipong C2, fit n right, delmonte pineapple juice, etc). sosyalin di ba? at di lang yun ang libre, daming cereals like koko krunch, kellog's, saka yung 2 pa na klase na hindi ko alam tatak kasi nakalagay na sa bote e (sorry ha, tapsilog lang kasi alam ko breakfast). syempre may kasamang milk. may oatmeal din. but wait, there's more! bukod sa cereals ay may tinapay pa. take note, gardenia... may white bread, wheat bread at yung may raisins pa. kumpleto spreads, mula sa cheesewiz, mayo lite, yeast spread (mga expats na bumbay lang ata kumakain nito), jams, peanut butter, cream cheese at marami pang iba. tapos may tuna, pickles, cheese slices pa. minsan may german franks pa or salami or ham. tapos may fruits pa! tapos may iba't ibang cup noodles pa. 'di kami magugutom sa office kaya goodluck na lang talaga sa diet. libre lahat yun. sa dami ng food kahit tinapay at cereals e solved na ko at 'di ko na kelangan maglunch out. at heto, tuwing friday e may libreng lunch pa kami, bukod sa usual food sa pantry. pagkain pa lang, neto na. the best part, every friday may free drinks. drinks = alcohol. so may beer sa ref every friday.
sad nga lang kasi medyo hindi na ako kunektado sa mundo pag asa work ako. ala instant messaging e at limited ang internet access (dahil ayaw kong mapasama sa honor roll ng mga heavy internet users lalo na kung non-business related). buti na lang may nasasagap akong wifi sa kwarto pag umuuwi ako. swerte nga naman.
so, 'musta naman ang new year ko? well, kahit nagkasakit ako (dahil sa lamig ng panahon na gusto ko naman) e masasabi kong maganda ang 2009 ko. anyway, syempre depende pa rin sa akin kung anu mangyayari sa buhay ko. hope lang ako for the best.
Posted by dean at 11:43 PM 2 comments
Labels: living my life, work stuff
Tuesday, December 23, 2008
last few days
konting clarifications muna para sa mga huling posts ko. una, hindi mo kalakihan ang sweldo ko. nagkamali lang po ng tax computation kaya nagkaganun. wish ko lang talaga normal yung ganun kalaking tax para malaki rin talaga yung take home ko, pero hindi talaga. tapos, hindi po ako titigil sa pagba-blog. bahagi na 'to ng buhay ko. ang gusto ko lang sabihin ay nagresign na po ako sa huling trabaho ko. yun lang. next time talaga maglalagay na ako ng details para hindi ako misunderstood. hehe!
ilang araw na lang pasko na. susunod, matatapos na rin ang taon. pagkatapos, makakaalis na ako ng tuluyan sa kumpanya na pinagtiisan ko ng dalawang taon... at dapat talagang 'pagtiisan' ang sinabi ko! haha!
nandito lang ako sa bahay ngayon. although may trabaho pa e dito ko na lang sa bahay minabuti magwork (kahit sa totoong buhay wala na akong ginagawa dahil paalis na ako). online lang ako para sa mga ad hoc na trabaho. 'di na rin ako pumasok kasi wala na rin naman ako aabutan sa office dahil lahat ng tao naka-work-from-home mode na. hay, sa lilipatan ko wala na ang convenience na hindi umalis sa bahay tuwing lunes at makipagsabayan sa mga papasok sa opisina.
bukas, bisperas na ng pasko. noche buena na. medyo kakaiba ang noche buena namin ngayon kasi kami na lang muna ng immediate family ko ang magsasama-sama. dati, kumpleto kami sa side ng mom ko nagsecelebrate ng pasko. pero ganun talaga siguro, nagbabago ang tradisyon. marami akong nami-miss. miss ko nung mga bata pa kami ng mga pinsan ko, daming regalong natatanggap, after magsimba, tutulog muna para paggising may mga chocolates at candies sa mga medyas na sinampay sa may pinto. miss ko na ang maghapong nagluluto ng mga ihahanda. higit sa lahat, miss ko na ang lolo. sa totoo lang, si lolo dahilan para mabuo kami ng pamilya sa side ng mom ko. tuwing birthday nya, nag-uuwian mga uncle at auntie ko. at ngayong wala na sya, hindi na definite kung kelan kami nabubuo.
tama na muna ang emote. dapat masaya kasi pasko na. mamaya, susunduin na ang paborito kong pamangkin. mag-offline muna ako sa work ng maaga para ipagshopping naman sya. hay. speaking of christmas shopping, hindi pa ako tapos. mga pinsang babae ko pa lang ang may regalo sa akin. habol na lang ako siguro. tutal, may isang araw pa naman.
Posted by dean at 10:11 AM 1 comments
Labels: family matters, work stuff
Wednesday, December 10, 2008
graceful exit
the hardest part in leaving, is saying goodbye.
Posted by dean at 12:01 PM 2 comments
Labels: thinking out loud, work stuff
Thursday, November 20, 2008
define: opportunity cost
too many reasons...
so many thoughts...
i hope everything would be settled once i ask myself,
what's keeping me here?
Posted by dean at 10:33 AM 1 comments
Labels: work stuff
Thursday, November 13, 2008
do the math
for nov 1-15 pay period i have:
a meager salary
tax almost Php 19k
plus other deductions
equals... personal financial crisis!
when will this stop?!??
magbibirthday pa man din ako tapos magpapasko pa.... :((
Posted by dean at 8:29 PM 6 comments
Labels: work stuff
Wednesday, October 22, 2008
bingo
sa letra ng O, kalbo! bingo!
ayan, nabartolina na naman ako! kung ba't naman kasi hindi ko sinagot ang phone kagabi, nag-promise pa man din akong magpa-phone patch sa meeting. (phone patch? showbiz mode? pang da buzz??)
mga hinayupak naman kasi. alam na asa pinas karamihan nung a-attend ng call, pagpasyahan bang alas diyes ng gabi magmeeting!
tama na nga angal! hay dean! tumino ka nga! hindi ka pa nagpapasa ng mahiwagang papel kaya magtrabaho ka muna!
Posted by dean at 5:09 PM 2 comments
Labels: work stuff
Friday, August 29, 2008
new year
monday marks the start of our new fiscal year. so ganun na nga, ngayon magkakaalaman kung sinu-sino ang mapropromote at kung magkano ang aming annual increase.
simula pa lang nung unang araw ko, determinado akong maghanap ng mas magandang opportunity pagkatapos na pagkatapos ng aking bond. at ngayong nalalapit na ang katapusan, heto ako at kaliwat-kanan ang applications.
so late ako ngayon - todong late, halos half-day na nga. pero dahil flexi naman ang oras ko sa trabaho (or so i thought), lakas-loob akong sumipot sa exam/interview kaninang umaga. pagdating ko sa opisina, hindi pa ako nakapag-online agad sa messenger kaya naman nag-email ang isa sa aking bossing para magpakita sa net. ayun, nag-conference kami sa chatroom ng 2 kong bossing. syempre, anu pa ba ang takbo ng diskusyon kundi ang aking tardiness at pagiging distracted nitong buong linggo. isama pa dyan ang isa kong pending na trabaho na deadline na ngayon (actually, napakiusapan na na i-extend yung deadline at ngayon na nga yung deadline na yun). napagsabihan pa 'kong wag muna mag-jobstreet at friendster. bingong bingo ako! pero opo, opo, alam kong pagkakamali ko ang mga ito.
hindi naman sa nagmamalaki ako, pero dahil sa mga pangaral sa akin kanina at dun sa pressure sa mga projects na hawak ko e muntik na ako magpaalam kanina at sabihin ang plano kong paglisan. buti na lang may natitira pa akong hiya. plus the fact na wala pa akong patutunguhan. at syempre, p'anu ko naman bubuhayin ang sarili ko kung wala ako trabaho?
bakit nga ba gusto ko umalis? hmmm... maraming issue. sa totoo lang, maayus naman ang mga naging katrabaho ko dito. dun sa una kong project, lahat kami magfriends. dito naman sa kinalalagyan ko ngayon, parang pamilya kami at super close kami ng mga bossing ko. sa totoo lang, nahihiya nga ako 'pag nahuhuli sila na naka-jobstreet ako. sorry naman. tapos ngayon, malungkot pa ang karamihan sa amin dahil sa liit ng increase namin ngayon.
anu nga ba ang hinahanap ko? magandang sahod? sa totoo lang, tuwing lumilipat ako ng trabaho, hindi ako umaasa na mas malaki ang offer. mas pinipili ko yung mas magbibigay sa akin ng magandang oportunidad sa future. willing ako magstart sa mababa at saka trabahuhin ang pagtaas. sadly sa ngayon, medyo hindi aligned ang future na gusto ko sa future na plano sa akin ng management. hay! pero sa hirap ng buhay ngayon, baka kainin ko muna tong pride na ito. wish ko lang makahanap ako nung makakapantay man lang dun sa kung anu ang meron ako ngayon. hmmm... 'di naman ako makapag-ibang bansa para subukan dun dahil unang una, wala akong pansustento sa sarili ko habang naghahanap ng work dun at pangalawa, sa tindi ng kumpetisyon ngayon e kelangan ko pa kumuha ng industry certifications para makasabay dun sa mga mas experienced.
sa susunod na mga araw nakaplanong kausapin ako mga bossing para mapag-usapan ang mga plano sa new year na ito. 'di ko pa naman balak magpaalam. kung anuman ang mangyari, sana maging maayos ang lahat.
Posted by dean at 7:31 PM 5 comments
Labels: work stuff
Thursday, July 24, 2008
kumusta ka naman?
international relations. bow!
sabihin man nating bawat undergrad degree program ay narerequire ng 9 units ng communication/english courses, hindi pa rin sapat yun para maging effective communicator lalo na sa panahon ngayon kung kelan sikat ang globalization. dagdag mo pa yung english subjects mula nursery/prep until 4th year high school, kulang pa rin sa dami ng 'version' ng language na ito.
sa dami ng lahi ng mga nakausap ko, so far napapatunayan ko naman na english nga ang universal language (should i say global dahil malay ba natin kung may martian na nakakaintindi ng english?). pero tama ba talaga ito? o baka naman akala ko english ang ginagamit kong salita pero sa totoong buhay american lang sinasabi ko at australian naman ang salita nung kausap kong indian. gets ba?
naalala ko na naman tuloy ang topic isang topic sa philosophy 1 nung kolehiyo: "all terms are equivocal". well, totoo nga. nakakalito ang mundo, parang kanta ng smokey mountain tuloy - kung sinung mahal mo syang ayaw sa iyo... ahehehe!! ayan, napa-segue na!
minsan ng take ako ng 2-hour training about cross-cultural communication dito sa company namin, bitin naman. wish ko lang talaga, naituturo sa school kung pano mabawasan, kung 'di man mawala, ang language barrier lalo na kung hindi mo nakikita ang kausap mo.
anyway, feel ko lang mag-rant ng ganto ngayon dahil matatapos na ang employment bond ko, ni hindi man lang ako napadala sa ibang bansa. hay buhay!
Posted by dean at 6:07 PM 4 comments
Labels: thinking out loud, work stuff
Tuesday, July 15, 2008
kinain ko ang sinabi ko
binabawi ko na. ayaw ko na sa kanila. hindi na naubos ang meeting ko sa gabi nang dahil sa kanila!
Posted by dean at 8:14 PM 0 comments
Labels: work stuff
Monday, July 14, 2008
kung fu fighting
would you take your boss seriously if he happens to look like kung fu panda?
last week, my boss asked me to come over his desk to take a look at his spreadsheet. that time, i was online with a client discussion important instructions for their project. my boss jokingly slammed his desk and said "dean, how many times do i have to call your name?" well, he kinda knows that i'm busy but i replied "i'm not scared of you. should i be afraid of kung fu panda?"
that's how close we are in my team. don't get me wrong, my boss has this "boy next door look" but too sad he gained weight. and by the way, i'm so afraid of him - he's the one who forwards my time and expense report to HR and rates my performance.
Posted by dean at 6:57 PM 4 comments
Labels: work stuff
Thursday, July 10, 2008
feel at home
i love spain. i love spaniards! i feel like i'm with my family when i talk to them. the accent, the tone, the emotions, everything - parang asa pinas lang din ang kausap ko.
Posted by dean at 8:21 PM 0 comments
Labels: thinking out loud, work stuff
Tuesday, June 24, 2008
late night call
another late night at work. got another conference call to attend. how i wish that there is only one timezone in the world.
- - -
i'm so amused when people attend conference calls. upon entering the call, participants do their intros - usually name/team name and location. sounds like a beauty pageant to me. and i wonder why people in the philippines do their intros like "hi, this is dean from manila". this is also true from other companies/projects i have worked for. people from other parts of the world say something like "kuntal from india" or "michelle from UK". well, personally i think that manila is easier to say than philippines. ;)
Posted by dean at 8:47 PM 2 comments
Labels: thinking out loud, work stuff
Tuesday, June 17, 2008
lagot ka ngayon
heto na naman ako... balik uli sa pagboblog. isa lang ibig sabihin nito: asar ako.
- - -
minsan sinubukan kong kumuha ng teaching load sa isang college. pagkatapos ng demo ko, tinanong ako kung gaano ako kaistrikto. sabi ko, super strict ako lalo na 'pag may maling ginagawa ang subordinates ko. kumunot lang ang mga noo ng college dean at ibang professors na nanood sa demo ko. di ko sila masisi, mukha akong cute este mabait. p'ano ba naman kasi, hindi mawala-wala ang ngiti ko nun dahil sa kaba.
hay! kasalanan ko bang smiley face ako? 'di pa nila ako kilala. ang masasabi ko lang, don't judge the book by it's cover, at looks can be deceiving. panalong clichés di ba?
- - -
minsan, sinabi ng boss ko na masungit daw ako mag-email. 'di nya ko masisi. alam naman nya kasi na sa buong karanasan ko sa pagtatrabaho, mga kano ang kausap ko. lagi akong direct to the point at limitado ang paggamit ko ng salitang "please".
- - -
simula nung nagtrabaho ako, hindi ko naranasan na bayaran ako kada-araw o kada-oras ko sa trabaho. naranasan ko lang, e yung pasahurin ako kada-segundo. salamat sa industriya ng "outsourcing", masyadong nasusulit ang mga pinoy. nuong nasa call center ako, bawat late ng ilang segundo, bawat maling pindot sa telepono para sa mga breaks at aux work ay kinakaltas sa sweldo. minsan hindi na makatarungan lalo na kung may mga tawag ng kalisakasan.
dun ko nakuha ang work-ethic na meron ako ngayon. natutunan ko na hindi mahalaga na may output lang sa trabaho: na dapat ay may quality, na dapat ay asa takdang oras, na dapat ay walang ibang nakaliligtaan.
- - -
sa buhay tech support agent ko rin naranasan kung kelan at p'ano gamitin ang mga salitang "please" at "sorry". hindi sa hindi ko alam gamitin ang mga yun, pero natutunan ko kung kelan ba sila appropriate gamitin.
- - -
malamang alam na ng nakakabasa nito ang kinaiinisan ko. oo, tungkol ito sa mga taong hindi marunong magtrabaho ng matino. sa totoo lang, wala akong pakialam kung anuman o paano ginagawa ng isang tao ang trabaho nya. ang sa akin lang, gawin nya ito ng tama. wala akong pakialam kung marami syang trabaho, o may ibang pinagawa sa kanya o kung anumang palusot na meron sya. hindi na sya bata. yung una at pangalawang beses na pagkakamali dapat natuto na sya. hindi ko na maaring palampasin ang nangyari. sana magtanda na sya.
Posted by dean at 2:20 PM 1 comments
Labels: thinking out loud, work stuff
Thursday, May 8, 2008
ispokening dollar
waah! may isang taon na akong hindi nag-uumingles sa work, maliban sa paminsan-minsang con-calls sa mga kano na yes at no lang ang sinasabi ko. nung asa meeting ako kanina kasama ang mga bossing sa iba't-ibang panig ng mundo, akala ko bumbay yung nagsasalita (pasintabi na po) - ako pala! pakshet! buti na lang wala yung mga ino-okray kong agents nung asa call center pa ako. kahihiyan!
hindi naman sa nangmamata na naman ako (take note: sarili ko ang ginigisa ko). mahirap naman kasi ang makipag-usap sa mga banyaga kung hindi ka nila naiintindihan. saka, pansin ko lang, halos lahat ng bossing dito magagaling sa comm skills... hmmm... s'an na kaya napunta yung akin?
anyway, sana maayos ko 'tong problemang to para hindi naman ako mapahiya sa projects ko... hehe! nakow, evaluation period pa na naman!
Posted by dean at 9:23 PM 7 comments
Labels: living my life, work stuff
when it rains
it rains!!!
well, work has been easy for the past month. okay, that was an understatement. the truth: i haven't got anything to do. projects were assigned to me but my involvements were so minimal - just conference calls and email correspondence about little inquiries. and this situation is true until 4 hours ago.
4 hours ago, i got 2 emails from different projects. obviously, i'm officially engaged. the best thing is, i've got to handle both at the same time. in addition, projects are coming in to my team. i've got another assignment and i'm pretty sure that another one will be added to my workload. hmmm... dapat ba magpakasaya ako dahil busy na ako at hindi ko na kelangang mapagod sa maghapon para sa pagpupumanggap na busy ako???
OT days, here i am again.
Posted by dean at 6:32 PM 3 comments
Labels: work stuff
Tuesday, April 1, 2008
stressed out
hindi ko na kinakaya ang anim na oras na byahe araw araw. nung una akala ko ayos lang, dahil mas madaling umupo na lang sa bus kaysa maglakad ng malayo at magpalipat-lipat ng sasakyan. nagkamali ako. minsan, kailangan ko pang tumagal sa trabaho para sagutin ang tawag ng mga katrabahong nasa ibang panig ng mundo. lumalala pa ang ubo ko. araw-araw nang masakit ang ulo ko sa kakapuyat. tumataas na rin ang presyon ng dugo ko. kahit na pinipilit kong kumain ng tama gaya ng prutas at gulay ay hindi sapat yun para sa katawan ko. sinubukan ko rin uminom ng mga bitamina pero kulang pa rin ang lakas ko. hindi ko rin kaya nang mag-ehersisyo dahil sa panghihina ko. hay! anu ba 'tong pinasok ko? sana makahanap na ako ng tirahan para matapos na ang lahat ng ito. mahirap magkasakit.
Posted by dean at 7:16 PM 9 comments
Labels: living my life, senti mode, work stuff
Friday, March 14, 2008
promdi
madalas 'pag may nakikilala ako na tao sa napakalayong probinsya, tinatanong ko sya kung may telepono o kuryente ba sa kanila. hindi naman sa nangmamata ako...
ngayon, narealize ko na nakapa-backward ng buhay sa amin. hindi man lang ako maabot ng maayos na broadband connection! waaah! kainis! hindi pa ako makakapagtrabaho ng kahit isang beses sa isang linggo sa bahay.
buhay nga naman! ke-malas malas!
Posted by dean at 5:48 PM 5 comments
Labels: living my life, work stuff
how bobo can you get?
metrobank has undergone a "system maintenance" a day before pay day. today is pay day and their freakin' system maintenance is not yet done. i've got to pay for my bills, my food, my transportation... and for a lot of things to pay! now, the only mode i could get my hard-earned money from the bank is by over-the-counter teller transaction! and worse, i've got to go to my branch! isipin nyo na lang, 17000 employees kami sa company at iisa lang ang branch namin. p'ano pa yung sa ibang companies? hindi maganda! hindi nakakatuwa!
system maintenance! f*ck! too much for that positive scripting! sinong niloko nyo?!
magkamatayan na! ibigay nyo sweldo ko!
Posted by dean at 9:03 AM 0 comments
Labels: living my life, work stuff