uniform. how embarassing it is to admit, but my wardrobe has become a set of uniform. it's not that i don't like to dress up nor i don't have the money to buy some clothing. it is simply because my current size is XL, and i've been working hoping to keep my size down. sayang naman ang damit kung luluwag din agad. yet its been days weeks months years that i've been keeping that in my mind and here i am, stuck at XL.
so yesterday, as i went and decided to move back home (i'll discuss about it later) i spent my "rent-money" shopping. this time, i swear and i do solemnly swear that this will be the last set of my ridiculously large jeans and shirts.
now, like the bigger loser, i say... bye weight!
Wednesday, July 1, 2009
bye weight
Posted by dean at 9:05 AM 1 comments
Labels: living my life
Tuesday, March 31, 2009
sipon, ubo, atbp.
hay! heto na naman ako, sinisipon at inuubo... ewan ko ba kung ba't lagi akong nagkakasakit. twice na ko nagkaganito simula nung pumasok 'tong taon na ito. ang masama, ngayon bingi ang pareho kong tenga dahil sa sipon. ang hirap magtrabaho - asa support role pa man din ako. mukhang 'di na ko tinatablahan ng vit. c a! buhay!
Posted by dean at 12:41 AM 2 comments
Labels: living my life
Thursday, February 26, 2009
still here
can't believe that i haven't posted for more than a month... so now where do i start?
here i am, killing time. my shift for the week starts at 11.30am. i don't like this shift much as it doesn't give me enough time to go to the gym. (yes, i'm back in the gym!) so to compensate for the time for not being in the gym for this week, i'm doing laps in the pool. (yup, may pool po dito sa may tinitirhan ko ngayon, shala di ba?)
all these things to keep me fit (again) is really burning me out. i hate aching muscles - muscles that really haven't made their presence shown in me (dahil labas pa rin ang katabaan ko!). but i'm hoping i won't get tired of this. you know what they say - no pain no gain -, and - beauty is pain.
- - -
work - would you believe - is good (would you believe?). as in, hindi ako makapaniwala na naaaliw ako na nagwowork ako ng todo - i think nasabi ko na 'to nung last post ko. hindi ako naiinip matapos ang araw ko. well, let's see if i still could remain positive at work 'til i start working in 12-hour shifts. (well the plan was for us to work on 12-hour shifts with 4 days of work and 4 days of rest - panalo di ba? haba ng bakasyon - pero parang araw-araw overtime. hmmm... so may oras maghanap ng ibang work? no, no, no! dean - be good!)
- - -
my mom will be celebrating her 50th birthday on saturday (birthday is actually on friday). don't know if she already had finalized her plan for her big day. 2 weeks ago ko pa nabigay yung gift ko for her - and she's really happy with it. haha! anyway, i can't believe that she's that old. it feels like she's the same when we were young.
- - -
i can't think of anything right now... anu 'to - writer's block? haha! feeling writer! now, i'm off to the pool. 'til next time!
Posted by dean at 7:34 AM 2 comments
Labels: family matters, living my life, work stuff
Thursday, January 22, 2009
busy me
lately, parang napaka-detached ng pakiramdam ko sa mundo. 'di ko na halos maramdaman ang takbo ng oras. kung dati nasa akin lahat ng oras para magawa ang gusto ko, ngayon e talagang kumakayod ako magtrabaho.
it's not that i'm complaining. sa mahigit na 2 years, ngayon lang talaga naging applicable sa akin ang salitang busy. kahit hindi pa gaano ako sumasabak sa bago kong trabaho, parang ang dami ko nang ginagawa. ang nakakapagtaka, hindi ako nagrereklamo. as in so not me talaga. ni hindi ko nga maisip na mag-snacks or kahit coffee break e. kakaiba.
so enjoy ba ako sa ginagawa ko? siguro... pero wish ko lang talaga magtuloy tuloy ito at hindi ako mapagod. sana lang this time magtagal na ako sa work.
Posted by dean at 8:10 PM 2 comments
Labels: living my life, weird, work stuff
Friday, January 9, 2009
new year
january 9 na pala. 'di ko man lang napansin ang bilis dumaan ng mga araw. p'anu ba naman kasi, dami ko pinagkakaabalahan. una, new job. syempre since iba na workplace ko, iba na rin tinitirhan ko.
sa haba ng bakasyon parang ang dami kong nagawa, pwera magdiet. hehe! ultimo pasko, habang ang mga kapatid ko ay umalis papunta sa kani-kanilang lakad, at ang aking mom ay bumisita sa kapatid, pinili kong magstay sa bahay. naisip ko, aba malapit na new year at ang kalat kalat ng kwarto ko kaya ayun, naglinis na lang ako. naglinis = nagwalis ng sahig, floorwax, rearrange ng kama at mga lamesa at mag-ayos ng movie collection ko (movies ha, hindi porn dahil wala ako nun!).
nung dec. 27, lumuwas naman ako ng makati para maghanap ng lilipatan. bigo ako. sayang ang pagod at pamasahe. totoong mas mahirap maghanap ng bahay kaysa ng trabaho. hay! pagkatapos ng new year, lumuwas uli ako para hanap ng bahay. sumama mom ko para makita kung san ako titira at para makapagshopping na rin sya habang asa kamaynilaan. since ayaw ko na mapagod kumuha na lang ako ng bedspace sa isang condo. wala kasi solo room for now kaya dun muna ako hanggang may mabakanteng solo na room. jan4 nung lumipat ako. tiempo, natuloy ang lagnat ko. buti natulungan ako ng bunso kong kapatid na magbuhat ng mga gamit sa dati kong apartment (na sya na ang nakatira ngayon). gabi bago ang unang araw ko sa work, ang taas ng lagnat ko.
kinabukasan, medyo ok na pakiramdam ko kaya nakapasok ako. nakita ko mga makakasama ko sa work at lahat sila mababait. kabiruan na nga kami agad lahat e. syempre kami kami magkakaclose kasi kami mga unang tao sa team. yung company, kahit bangko ay hindi naman mukhang naghihirap global financial crisis. p'anu ba naman kasi, daming libreng food. bukod sa libreng kape at iced tea at milo na common sa mga opisina, may libreng canned softdrinks bottled juices pa (tipong C2, fit n right, delmonte pineapple juice, etc). sosyalin di ba? at di lang yun ang libre, daming cereals like koko krunch, kellog's, saka yung 2 pa na klase na hindi ko alam tatak kasi nakalagay na sa bote e (sorry ha, tapsilog lang kasi alam ko breakfast). syempre may kasamang milk. may oatmeal din. but wait, there's more! bukod sa cereals ay may tinapay pa. take note, gardenia... may white bread, wheat bread at yung may raisins pa. kumpleto spreads, mula sa cheesewiz, mayo lite, yeast spread (mga expats na bumbay lang ata kumakain nito), jams, peanut butter, cream cheese at marami pang iba. tapos may tuna, pickles, cheese slices pa. minsan may german franks pa or salami or ham. tapos may fruits pa! tapos may iba't ibang cup noodles pa. 'di kami magugutom sa office kaya goodluck na lang talaga sa diet. libre lahat yun. sa dami ng food kahit tinapay at cereals e solved na ko at 'di ko na kelangan maglunch out. at heto, tuwing friday e may libreng lunch pa kami, bukod sa usual food sa pantry. pagkain pa lang, neto na. the best part, every friday may free drinks. drinks = alcohol. so may beer sa ref every friday.
sad nga lang kasi medyo hindi na ako kunektado sa mundo pag asa work ako. ala instant messaging e at limited ang internet access (dahil ayaw kong mapasama sa honor roll ng mga heavy internet users lalo na kung non-business related). buti na lang may nasasagap akong wifi sa kwarto pag umuuwi ako. swerte nga naman.
so, 'musta naman ang new year ko? well, kahit nagkasakit ako (dahil sa lamig ng panahon na gusto ko naman) e masasabi kong maganda ang 2009 ko. anyway, syempre depende pa rin sa akin kung anu mangyayari sa buhay ko. hope lang ako for the best.
Posted by dean at 11:43 PM 2 comments
Labels: living my life, work stuff
Wednesday, December 31, 2008
connected
now i feel we're not living in the dark ages anymore. now that we're connected, i won't be using this much as i don't have to work at home anymore. talk about timing! so to keep our modem busy, i'm downloading torrents! how i wish i have lots of free space in my hard drive.
Posted by dean at 11:25 AM 1 comments
Labels: living my life
Friday, November 28, 2008
thanksgiving
27 on the 27th.
thanks for all the blessings.
amen
Posted by dean at 11:34 AM 2 comments
Labels: living my life, thinking out loud
Monday, October 13, 2008
homecoming
i was once invited by my colleagues to attend this 'gathering'. i was shocked when i found out that we had to sing and do some 'sharing'. lucky me, only one was assigned to share. and i swore to myself to never come back.
well, sharing is not my thing. i keep my relationship with God private. i wasn't raised a catholic - no confessions and though it is common in my congregation to share during some group 'meetings', i opt not (if i could).
growing up and until now, i am confident about my faith. in my younger years, i have never missed vbs. i was even one of the first youngsters to be in our children's choir. i even had a short stint being a church pianist.
i used to pray every night. but when i got my first job and worked in graveyard shifts i stopped. that doesn't make me less of a christian, right? i do feel bad that i haven't got much personal time with Him.
yesterday, i promised my mom that i'll go to church. since i'm not much of a people person, i didn't want to go alone so me and my mom and my brother went to vesper service. and boy, i got the shock of my life. first, there's a band. really! playing praise songs and all and people (well, maybe due to the band, most were young adults) were dancing. if i remember it right, we were in a 'conservative' protestant church were the congregation are born to sing in unison in SATB voices accompanied by a piano - no dancing except for junior worship (i.e. with kids!). then, there was no liturgist. well, that i could live with. and no more, 'family of God' hymn on the greeting part. apart from that, there was this new arrangement of the doxology... the list of new things just go on.
i really have been gone for so long. the changes - i must say isn't bad. honestly, i like it more as it feels 'happier'.
the only thing i didnt' like was the feeling i had when the new pastor (not really new since he's been on the church for years) had to reintroduce me to the congregation. i really felt bad. seriously. this was the church where my parents got married, where i was baptized, confirmed, and had my communions. i wanted to cry. i was estranged.
Posted by dean at 5:05 PM 1 comments
Labels: living my life, thinking out loud
Tuesday, September 23, 2008
updayt lang
medyo giniginaw ako. sabi naman ng kaopisina ko, medyo kulang nga raw yung lamig ng aircon. kahapon, habang bitin sa lamig ang lahat, ako giniginaw. 'di pa ata ako magaling. nung isang linggo kasi, ginaw na ginaw ako. yung jacket na nakatago sa drawer ko, nagamit ko tuloy. tapos lumabas ako ng opisina, naglakad papunta ng bus terminal, at kahit madilim na at alam kong mainit pa dahil sa mga pawis ng mga nakakasalubong ko, wala man lang bahid ng pawis na lumabas sa akin. kakaiba.
- - -
nakaliban ako ng 2 araw sa trabaho nung isang linggo. plano ko kasi tapusin yung term project at iba kong requirements sa grad school. tapos anniv pa ng mahal kong lolo. e dahil giniginaw ako sa byahe ko pauwi, natuluyan na ako ng lagnat. kinabukasan, pati lalamunan ko sumama. yung plano ko na tapusin hindi ko na nagawa. hindi ko rin nakausap yung mga kamag-anak ko na nag-uwian dahil 2 araw akong nakahilata sa kama, balot na balot ng jacket at kumot.
nung gumaling ako nung sabado, babad ako sa paggawa nung project ko. panu, deadline na kasi sa hatinggabi. habang nakasalang ang dvd ng the practice season 5, tinuturuan ko muli ang sarili ko mag-java at umiisip ng diskarte kung panu tatapusin ang proxy server application kong ginagawa. nakalimutan ko na ngang magtanghalian nun. siguro dahil na rin wala pa ako gana kumain dahil naninibago pa panlasa ko (which is so not me!). pinilit ko lang din kumain nung hapunan na para naman makapagbreak ako at relax ng konti.
30 minutes bago yung deadline, natapos ko yung project ko. buti nakapagpasa ako sa oras - opo, online kami nagsubmit sa aming moodle. nagulat na lang ako, yung dvd na sinalang ko, tapos na pala. ni-hindi ko nalaman kung anu nangyari. buti pa tatay ko, nawili sa kakapanood.
- - -
hindi muna ako pinayagan ng aking mader-dir na magtaebo nung lunes. sabi nya bili pa raw ako ng antibiotic ko at buuin ang isang linggo na pag-inom ng gamot. di nga ako nagtaebo. pero di rin ako tumuloy sa pag-inom ng gamot. yung diet ko (matapos kong maglose ng mahigit 10 pounds), natigil muna dahil wala pa ako lakas hanggang ngayon. ayan, lamon na naman tuloy. tapos heto, giniginaw na naman ako at pinapakiramdaman ko kung may tonsilitis na naman ako. balak ko pa man ding magexercise at diet na uli bukas pero mukhang mapopostpone na naman. feeling ko tuloy bumabalik na uli yung nawala kong timbang. hay buhay!
- - -
hay, dami ko iniisip lately. ayoko munang mag-emote. ewan ko ba, di ko nisusulat kung anu ang mga iniisip ko. siguro dahil pag nalampasan ko yung mga yun, ayokong mabasa na pinagdaanan ko ang mga ganung bagay. kahit naman kasi ngayon, in denial ako sa mga nangyayari. buhay nga naman.
Posted by dean at 12:52 PM 1 comments
Labels: living my life, school days
Thursday, August 14, 2008
newsflash: twister hit los banos, laguna
last year, i've been ranting about how i hate the current world's climate. well, i haven't got any weather complaints lately as it has been raining every afternoon. but i got a text message from my mom. bad news - a twister hit my hometown, my dear los banos. no article from inquirer.net yet but a "kababayan" has posted a video in youtube.
the video says the twister formed at 4pm. according to my mom, it hit the areas of umali subd, trace college, anos, and bayan. God! hope no one's hurt.
Posted by dean at 9:23 PM 4 comments
Labels: living my life, web surfing
Wednesday, August 13, 2008
in quest of greener pastures
my current YM status is "2 months to go". yep, i'm doing another countdown. in less than 2 months, my employment bond will be gone. hurray!
now i'm looking for a new job. it's not that i don't like my current one, i'm just looking for better opportunities. a boss even caught me last week browsing jobstreet.com and jokingly said "you'll never get an offer better than what you have right now". he might be right. but then i haven't told him that i chose to work here eventhough the offer was half of what i used to get. but honestly, i'm hoping for a better salary.
so far, i've only got phone interviews. well, i wasn't able to come on some invitations since the companies were so far (cavite, taguig, singapore) from work (qc) and i can't be gone for too long during business hours.
speaking of interviews - think this stuff really make my brain work. in most cases, i give answers that i never imagined i could say. feel ko nga pag sumali ako sa mr. pogi e mananalo ako sa dahil sa question and answer portion.
well, i just wish myself luck.
- - -
by the way, congrats to china for winning the men and women's gymnastics team competitions.
goodluck to nastia on the all-around competition. i never expected that aside from the beam and bars finals she'll be on the floor finals as well. hmmm... should i say, break a leg?
Posted by dean at 6:43 PM 3 comments
Labels: living my life, thinking out loud
Monday, August 11, 2008
tayp tayp
lunes. unang araw ng linggo. hay! sa kasamaang palad, miembro ako ng monday group (natatanging nilalang na kailangang magreport sa office 'pag lunes). maaga tuloy ako gumising kaya heto, masakit pa ulo ko dahil sa puyat. wish ko lang kasi marating naman kami ng sibilisasyon para hindi ko na kelangang makipagsabayan sa mga byahero pag lunes.
- - -
pansin ng mga boss ko na tuwing lunes ang taba-taba ko tapos pag byernes, lumiit na tyan ko. panu ba naman kasi, 'pag asa maynila ako todo diet ako tapos 'pag umuuwi ako nilalantakan ko ang kanin. panu ba naman kasi, nasasayang ang kanin 'pag dahil maraming magsaing pag weekend sa bahay.
buti na lang ngayon, super inspired na ko magdiet. sa mahal ba naman kasi ng bilihin at pamasahe ngayon, napapatipid na ako. hindi na ako nagkakanin talaga 'pag weekdays, fruits na lang. tapos 'pag weekend, hindi ko mang maiwasan manghinayang sa kanin, dinadaan ko na lang sa hiphop abs at konting pagbubuhat. ayan, may konting resulta na naman ngayon. medyo maluwag na damit ko, normal na BP ko, nakakapaghandstand na uli ako at hindi na ko masyadong pinagpapawisan. sana lang talaga magtuloy tuloy na para mabili ko na yung damit na gusto ko. ahehehe!
- - -
madalas TV lang ang pinagkakaabalahan ko 'pag weekend. nitong huli, hindi ako nakabili ng mga dibidi kaya tyaga na lang ako sa re-runs. natuwa naman ako nung napalipat ako sa channel 9, aba may olympics. kakaasar lang at panay boxing at football yung palabas. buti sana kung may pinoy na pinakita para makapagcheer man lang, kaso namuti na mata ko sa kakaabang wala pa rin. kung gymnastics prelims na lang nung aug9 at 10 na lang ang pinalabas e 'di sana mas masaya.
- - -
kagabi medyo late na nakatulog ang mom ko dahil sa pag-aalala sa mga kamag-anak namin sa mindanao. panu, yung panganay na kapatid ng lolo ko at yung pamilya nya e nasa maitum (sa mindanao) pa at balitang all-out war dun ngayon. balita pa na pinapatay dun ang mga christians. hay! hindi pa namin alam kung san sila tatakbo. sana lang talaga matapos na ang gulo dun.
- - -
speaking of mindanao - minsan narinig ko sa radyo yung commentary ng mga announcer. hmmm... ba't ba kasi 'di pa maayos ang consti ng pinas at maging federal na lang ang form of gov't. hayaan na may autonomy ang bawat 'regions'. ganun... pero kung magkakaganun, pangit. kasi naman, dadami ang mga ka-federasyon! ahahaha!!
hmmm... what if bitawan na ng pinas ang mindanao? since lagi magulo sa ibang parts dun, hayaan na sila ang maglabo-labo! kaya kaya nila magsurvice na sila lang? well, siguro sa dami ng international fundings dun ngayon. pero syempre, since may magic word na funding papayag ba naman ang gobyerno natin na wala silang kick-back sa ganun? saka, panu na ang del monte? ang dole? imported na ang lahat ng fruit cocktail natin kung ganun. mahal na maghanda pag fiesta at pasko. ganun? pero siguro naman, makakatikim na ako nung saging from mindanao na super kinis at malaki ('di gaya ng saging dito na maiitim at lamog) dahil mag-eexport na rin sila sa atin (kasi naman for export lang ang mga sosyal na saging e).aside from fruits, mababawasan na ng congressman from mindanao like zubiri. tapos kelangan na ng visa 'pag bibisita sa tourists spots sa mindanao? sad naman kasi 'di pa ako nakakaapak sa mindanao.
pero seriously, sana talaga matapos na ang dapat matapos dun. peace na lang sana dun.
- - -
balik tayo sa olympics... hay! kada 4 na taon lang nagkakaroon ng ganun. ba't ba walang matinong coverage? yung mga videos sa youtube, pinag-aalis. asar naman!
Posted by dean at 5:05 PM 2 comments
Labels: living my life, thinking out loud
Thursday, July 10, 2008
Wednesday, June 25, 2008
dalawang tulog na lang
Posted by dean at 4:57 PM 3 comments
Labels: circle of friends, getting somewhere, living my life
Tuesday, June 24, 2008
fatness 101
how to ruin your diet
Posted by dean at 10:25 AM 1 comments
Labels: hanging out, living my life
Wednesday, June 4, 2008
nognog
Posted by dean at 4:52 PM 4 comments
Labels: getting somewhere, living my life
Thursday, May 15, 2008
podcast
kagabi, wala lang... nakakatamad sa room ko. napagtripan ko tuloy i-record na lang ang sasabihin ko. pero nagbago ang isip ko. 'wag na lang! boses palaka e. basta 'pag namayat na ko ng todo, baka subukan kong mag-vlog. hmmm... malay natin!
Posted by dean at 4:34 PM 6 comments
Labels: living my life, thinking out loud
Thursday, May 8, 2008
ispokening dollar
waah! may isang taon na akong hindi nag-uumingles sa work, maliban sa paminsan-minsang con-calls sa mga kano na yes at no lang ang sinasabi ko. nung asa meeting ako kanina kasama ang mga bossing sa iba't-ibang panig ng mundo, akala ko bumbay yung nagsasalita (pasintabi na po) - ako pala! pakshet! buti na lang wala yung mga ino-okray kong agents nung asa call center pa ako. kahihiyan!
hindi naman sa nangmamata na naman ako (take note: sarili ko ang ginigisa ko). mahirap naman kasi ang makipag-usap sa mga banyaga kung hindi ka nila naiintindihan. saka, pansin ko lang, halos lahat ng bossing dito magagaling sa comm skills... hmmm... s'an na kaya napunta yung akin?
anyway, sana maayos ko 'tong problemang to para hindi naman ako mapahiya sa projects ko... hehe! nakow, evaluation period pa na naman!
Posted by dean at 9:23 PM 7 comments
Labels: living my life, work stuff
Monday, May 5, 2008
the heat is on
I just came from my long weekend. Well, Friday was sandwiched between Labor Day and weekend so I decided to take a time-off from work for my sort-of summer vacation. Gee, I realized that I haven’t filed for a leave since I had my vacation. Does it mean that I love my job? Woah! Scary!!!
So what did I do for my 4-days off? Nothing. The heat took my mood off in doing stuff. 4 days of unending sweat coming out of my skin (yeah gross!) but I can’t do anything about it. Seriously, global warming should be addressed ASAP… as in now! And I’m, predicting because of this problem, we’ll lose clean water a lot faster than we thought (no, not by evaporation nor pollution) but due to that fact that none wants to be dehydrated. (I don’t wanna think about how much water I drank to keep myself from dying).
I hope everyone plants a tree. Basic science tells us that plants converts carbon dioxide to oxygen. Maybe it could help solve our problem. Another green revolution, anyone? I haven’t heard about reforestation since my college days.
By the way, shame on those people who built a condominium in the middle of a rainforest. I don’t care if it is a housing project for their employees!
OK, enough about my sentiments on the environment. But these heat rashes I’ve got around my neck really trigger my temper. Anyhow, my weekend was good. I got to exercise and now I feel that I am no longer a stroke waiting to happen. Plus, I had to play with watch my nephew. So now, I’m back to work.
Posted by dean at 12:26 PM 4 comments
Labels: living my life
Saturday, April 19, 2008
can't wait
i went to school today for registration. i'm returning from LOA. i enlisted myself for 2 major courses. hope i can ace both so i can take my comprehensive exam and get my graduate degree. i miss school and i can't believe that i'm saying this. i wish this will be a great semester for me.
my trip to coron with my friends is really on. we have our plane tickets!!! though we still don't know where to stay, we're anticipating having a great time there. reviews about the place from other friends who have been there are really good! as for now, i'm trying to get in shape for this escapade (we'll be taking a lot of pictures so i better look good!)...
- - -
it's summertime. well, i'm not enthusiastic about it as i hate the heat and the sun. if you ask me why i'm looking forward about my trip, it's because i'm thinking about the fun that i'll have with my friends and i just want to see the places people are talking about.
of all the outings planned this season by my former colleagues, friends, current team, etc., i just don't know if i'll be able to come to one. and if ever i go to some of these get-aways, you'll sure expect me to lock myself in a resort room and just come out at night to have all the booze that i can get my hands on. haha!!
Posted by dean at 10:23 PM 1 comments
Labels: living my life, school days