Saturday, December 8, 2007

sweat it

there's no doubt that nobody can make me sweat the way billy blanks does! ooops... oy, mga maduduming isip, hindi yun iniisip nyo ang ibig kong sabihin... i'm talking about taebo. pero syempre, hindi naman laging yun na lang ang ginagawa ko. gustuhin ko man mag-gym sa office, 'di ko naman magawa kasi walang shower room kaya hindi ako makapagwork-out in between office hours. sa kasipagan (kuno!), late night na uwian ko at sarado na gym namin... kaya ayun, settle na lang ako sa cardio. taebo na lang to the max. pero halos 4 years ko na yun pinapanood, at yung player namin hindi na mabasa yung cd. saka, marunong din naman ako magsawa. epektib naman sa akin magpahingal lang, kahit din ako magbuhat. ang key lang naman kasi sa pagpapayat e maburn ang taba. exercise, saka dapat eat right ('di ko po sasabihin na eat less)...

2 months ago, nagtext yung bunso kong kapatid... bili daw ako nung nakita nilang bagong tinitinda sa mga informercial. sabi ko sa sarili ko, malamang maganda yun at nagustuhan nila... para sa inyong kaalaman, ayaw nila ng taebo... nako-corny-han kasi sila... kaya ayun, pag-uwi ko tumutok ako sa tv para malaman yung sinasabi nila... at nakilala ko si shaun t. at ang kanyang hip hop abs. aba, ayos yun a... parang masaya! pero kumusta naman ang presyo? 3K?? mukhang 'di ako papayat sa kasusunod sa video a, mamamayat ako sa pagtitipid dahil mauubos na budget ko pambili pa lang nun!

pero 'di nagtagal, yung mom ko bumili sa pirata... isang dvd nga lang... syempre, asa manila pa ako nun kaya huli na naman ako sa balita. nakatanggap na lang ako ng text na wiling wili sila kakagaya. pag-uwi ko, sinubukan ko... aba! ayos! yung 30-minute workout, hindi ko namalayan na tapos na at parang nabitin pa ako. nakakapawis rin naman sya, natatarget talaga yung abs at masaya dahil daming da-moves!!

salamat na lang, 'tong ever mababait kong mga kaopisina e binili ako nun! hehe!! akala nyo ang galante nila no? hindi po... magagaling lang sila at natutong makipagdeal sa isang ebay-er para sa kopya nung buong set nun! pero ayos pa rin yung regalo nila na yun para sa birthday ko!! hehe!! kaya kanina, sinubukan ko... aliw talaga... hindi ko lang masabayan yung mga dance routines pag bumibilis na pero dun sa ibang videos ok naman... sana lang talaga, may time ako lagi para sa bago kong hobby.

8 comments:

Anonymous said...

that's nice, being healthy at least this christmas healthy ka. iwas muna sa lechon at mga matatabang pagkain at mag exercise palagi para maging physically fit. merry christmas.

justmike said...

sabayan kita.hehe

Anonymous said...

"there's no doubt that nobody can make me sweat the way billy blanks does!"

Natawa ako nung nabasa ko yun. Isa ata ako sa "madudumi" ang isip!

Sabihin mo pag effective yang workout na yan ha, baka mapabili din ako. :P

arjay said...

wag ka kumain ng kahit na anong karne. all veggies lang. it really works. ;)

atto aryo said...

Me pirated copy pala ang hiphop abs? Aba'y masuyod nga ang Quiapo. Panonoorin ko lang naman. Tinatamad pa ko mag-exercise e. :-)

dean said...

@coach, panibagong new year's resolution na naman 'to... maaga nga lang sa new year.. haha!!

@mike, punta ka na kasi d2 sa manila at sabayan mo ako!

@mao, sabi ko na nga ba nasa loob ang kulo mo e. tatahi-tahimik ka nung HS pero anu ito? nabrain-wash ka na ata jan sa tate.. haha!!

@arjay, di ko ata kakayanin walang meat!!

@aryo, sa ebay.ph sila bumili... yung pirated sa quiapo hindi synch yung video at audio... hehe!

arjay said...

kaya mo yan. i-moderate mo lang muna.

Coldman said...

may pinaghahandaan ka ba? =)