heto na naman ako... balik uli sa pagboblog. isa lang ibig sabihin nito: asar ako.
- - -
minsan sinubukan kong kumuha ng teaching load sa isang college. pagkatapos ng demo ko, tinanong ako kung gaano ako kaistrikto. sabi ko, super strict ako lalo na 'pag may maling ginagawa ang subordinates ko. kumunot lang ang mga noo ng college dean at ibang professors na nanood sa demo ko. di ko sila masisi, mukha akong cute este mabait. p'ano ba naman kasi, hindi mawala-wala ang ngiti ko nun dahil sa kaba.
hay! kasalanan ko bang smiley face ako? 'di pa nila ako kilala. ang masasabi ko lang, don't judge the book by it's cover, at looks can be deceiving. panalong clichés di ba?
- - -
minsan, sinabi ng boss ko na masungit daw ako mag-email. 'di nya ko masisi. alam naman nya kasi na sa buong karanasan ko sa pagtatrabaho, mga kano ang kausap ko. lagi akong direct to the point at limitado ang paggamit ko ng salitang "please".
- - -
simula nung nagtrabaho ako, hindi ko naranasan na bayaran ako kada-araw o kada-oras ko sa trabaho. naranasan ko lang, e yung pasahurin ako kada-segundo. salamat sa industriya ng "outsourcing", masyadong nasusulit ang mga pinoy. nuong nasa call center ako, bawat late ng ilang segundo, bawat maling pindot sa telepono para sa mga breaks at aux work ay kinakaltas sa sweldo. minsan hindi na makatarungan lalo na kung may mga tawag ng kalisakasan.
dun ko nakuha ang work-ethic na meron ako ngayon. natutunan ko na hindi mahalaga na may output lang sa trabaho: na dapat ay may quality, na dapat ay asa takdang oras, na dapat ay walang ibang nakaliligtaan.
- - -
sa buhay tech support agent ko rin naranasan kung kelan at p'ano gamitin ang mga salitang "please" at "sorry". hindi sa hindi ko alam gamitin ang mga yun, pero natutunan ko kung kelan ba sila appropriate gamitin.
- - -
malamang alam na ng nakakabasa nito ang kinaiinisan ko. oo, tungkol ito sa mga taong hindi marunong magtrabaho ng matino. sa totoo lang, wala akong pakialam kung anuman o paano ginagawa ng isang tao ang trabaho nya. ang sa akin lang, gawin nya ito ng tama. wala akong pakialam kung marami syang trabaho, o may ibang pinagawa sa kanya o kung anumang palusot na meron sya. hindi na sya bata. yung una at pangalawang beses na pagkakamali dapat natuto na sya. hindi ko na maaring palampasin ang nangyari. sana magtanda na sya.