una sa lahat, 'wag nyo nang pansinin ang bilbil ko. tanggap ko na na hindi tumalab ang diet ko. ok?
- - -
hindi muna kami pinauwi ni nani after matapos yung program sa reception nila. party party muna sandali. sosyal sosyalan, may ganung factor. syempre, ngayon lang uli nabuo ang paksyon kaya tumambay muna kami ng konti. naka-2 baso ng beer pa yung mga uminom sa amin bago nagpaalam.
6.20am yung oras ng flight namin na nakalagay sa ticket. 11pm na kami nakauwi. lahat ng kasama hindi pa nakapagempake kaya naman wala nang oras matulog bago umalis sa byahe. goodluck na lang talaga sa antok na pinatindi pa ng beer. 4.30am asa airport na kami. pero nasayang ang 'di namin pagtulog dahil may bagong sked ang flight sa busuanga: 9am. kumusta naman 'di ba? wala kaming nagawa kundi maghintay ng mahigit 4 na oras.
- - -
sa centennial airport, maaliw ka sa makikita mo. ang daming personalities na dumadaan. una pa lang bago kami pumasok, dumating si senator zubiri. binati pa sya ni tala ng "hi pa!" at lumingon naman ito. narinig pa ata nya na sana napicturean namin sya kaya lumingon uli. 'di na kami humabol, layo na nya at mukhang nagmamadali.
tapos habang papunta kami sa st. cinnamon para kunin ang breakfast na pampalubag loob ng PAL dahil sa walang abisong paglipat ng flight sched, nakita naman namin si senator kiko. wala sya kasama. dirediretso ring pumasok sa airport. 'di sya masyadong nagsmile smile ba. maya-maya, lakas ng bulungan ng mga tao. akala ko kung anung tsismis ang dumating. yun pala si dating pangulong erap naman ang nakita nila. buti na lang lumingon ako. eto namang si erap, mega-kaway pa. at tulad ng mga naunang pulitiko, ang daming bodyguard ang nakapalibot sa kanya at may formation sila habang naglalakad ng mabilis. hmmmm.... mukhang hindi na sinusumpong ng sakit sa tuhod si erap. bilis maglakad e. bago kami sumakay ng plane namin, nasilayan pa namin si marian rivera na kakagaling sa flight nya. asa arrival area sya kaya hindi na namin nahabol ng tingin.
- - -
saktong 8.30am, oras na nakalagay sa boarding pass namin, pinasakay na kami sa plane. 50-seater lang ata yun at medyo maliit yung upuan. konti lang kaming pasahero kaya aalog-alog kami sa loob. wala pang isang oras, nakarating na kami ng busuanga airport.
- - -
simula na ng ambechur!
1 comments:
huwaaaaaw!!! nakakainggit naman ang pics.
Post a Comment