monday marks the start of our new fiscal year. so ganun na nga, ngayon magkakaalaman kung sinu-sino ang mapropromote at kung magkano ang aming annual increase.
simula pa lang nung unang araw ko, determinado akong maghanap ng mas magandang opportunity pagkatapos na pagkatapos ng aking bond. at ngayong nalalapit na ang katapusan, heto ako at kaliwat-kanan ang applications.
so late ako ngayon - todong late, halos half-day na nga. pero dahil flexi naman ang oras ko sa trabaho (or so i thought), lakas-loob akong sumipot sa exam/interview kaninang umaga. pagdating ko sa opisina, hindi pa ako nakapag-online agad sa messenger kaya naman nag-email ang isa sa aking bossing para magpakita sa net. ayun, nag-conference kami sa chatroom ng 2 kong bossing. syempre, anu pa ba ang takbo ng diskusyon kundi ang aking tardiness at pagiging distracted nitong buong linggo. isama pa dyan ang isa kong pending na trabaho na deadline na ngayon (actually, napakiusapan na na i-extend yung deadline at ngayon na nga yung deadline na yun). napagsabihan pa 'kong wag muna mag-jobstreet at friendster. bingong bingo ako! pero opo, opo, alam kong pagkakamali ko ang mga ito.
hindi naman sa nagmamalaki ako, pero dahil sa mga pangaral sa akin kanina at dun sa pressure sa mga projects na hawak ko e muntik na ako magpaalam kanina at sabihin ang plano kong paglisan. buti na lang may natitira pa akong hiya. plus the fact na wala pa akong patutunguhan. at syempre, p'anu ko naman bubuhayin ang sarili ko kung wala ako trabaho?
bakit nga ba gusto ko umalis? hmmm... maraming issue. sa totoo lang, maayus naman ang mga naging katrabaho ko dito. dun sa una kong project, lahat kami magfriends. dito naman sa kinalalagyan ko ngayon, parang pamilya kami at super close kami ng mga bossing ko. sa totoo lang, nahihiya nga ako 'pag nahuhuli sila na naka-jobstreet ako. sorry naman. tapos ngayon, malungkot pa ang karamihan sa amin dahil sa liit ng increase namin ngayon.
anu nga ba ang hinahanap ko? magandang sahod? sa totoo lang, tuwing lumilipat ako ng trabaho, hindi ako umaasa na mas malaki ang offer. mas pinipili ko yung mas magbibigay sa akin ng magandang oportunidad sa future. willing ako magstart sa mababa at saka trabahuhin ang pagtaas. sadly sa ngayon, medyo hindi aligned ang future na gusto ko sa future na plano sa akin ng management. hay! pero sa hirap ng buhay ngayon, baka kainin ko muna tong pride na ito. wish ko lang makahanap ako nung makakapantay man lang dun sa kung anu ang meron ako ngayon. hmmm... 'di naman ako makapag-ibang bansa para subukan dun dahil unang una, wala akong pansustento sa sarili ko habang naghahanap ng work dun at pangalawa, sa tindi ng kumpetisyon ngayon e kelangan ko pa kumuha ng industry certifications para makasabay dun sa mga mas experienced.
sa susunod na mga araw nakaplanong kausapin ako mga bossing para mapag-usapan ang mga plano sa new year na ito. 'di ko pa naman balak magpaalam. kung anuman ang mangyari, sana maging maayos ang lahat.
Friday, August 29, 2008
new year
Posted by dean at 7:31 PM
Labels: work stuff
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
sana maging maayos ang lahat para sa iyo! goodluck sa pag-uusap nyo ng mga bosing mo ;-)
goodluck sa iyong mga plano.
when that meeting comes, u cud try wearing what I've worn on my evaluation day.
Funeral outfit.
it works.
hi Dean!
2 of my college frens who work now in your company txted me right after they got their increase. kelangan na daw nila lumipat sa company namen. well, i disagree kung dahil lang dun ang dahilan. your company has treated you well for the last two years dba? bear with the company nalang dis time, baka not so good business year. ;)
thanks sa wishes nyo caryn, mugen and kris.
hi chyng. well, yung "company treatment" naman kasi is relative to the project we are in. i've heard a lot of disatisfaction with regards to our annual appraisal. sadly, hindi talaga enough yun to cover inflation sa mga bilihin at pamasahe ngayon. sa tax lang halos mapupunta ang dagdag. but anyway, at least meron. we should be grateful for it. but still, we're keeping our doors open.
Post a Comment