lunes. unang araw ng linggo. hay! sa kasamaang palad, miembro ako ng monday group (natatanging nilalang na kailangang magreport sa office 'pag lunes). maaga tuloy ako gumising kaya heto, masakit pa ulo ko dahil sa puyat. wish ko lang kasi marating naman kami ng sibilisasyon para hindi ko na kelangang makipagsabayan sa mga byahero pag lunes.
- - -
pansin ng mga boss ko na tuwing lunes ang taba-taba ko tapos pag byernes, lumiit na tyan ko. panu ba naman kasi, 'pag asa maynila ako todo diet ako tapos 'pag umuuwi ako nilalantakan ko ang kanin. panu ba naman kasi, nasasayang ang kanin 'pag dahil maraming magsaing pag weekend sa bahay.
buti na lang ngayon, super inspired na ko magdiet. sa mahal ba naman kasi ng bilihin at pamasahe ngayon, napapatipid na ako. hindi na ako nagkakanin talaga 'pag weekdays, fruits na lang. tapos 'pag weekend, hindi ko mang maiwasan manghinayang sa kanin, dinadaan ko na lang sa hiphop abs at konting pagbubuhat. ayan, may konting resulta na naman ngayon. medyo maluwag na damit ko, normal na BP ko, nakakapaghandstand na uli ako at hindi na ko masyadong pinagpapawisan. sana lang talaga magtuloy tuloy na para mabili ko na yung damit na gusto ko. ahehehe!
- - -
madalas TV lang ang pinagkakaabalahan ko 'pag weekend. nitong huli, hindi ako nakabili ng mga dibidi kaya tyaga na lang ako sa re-runs. natuwa naman ako nung napalipat ako sa channel 9, aba may olympics. kakaasar lang at panay boxing at football yung palabas. buti sana kung may pinoy na pinakita para makapagcheer man lang, kaso namuti na mata ko sa kakaabang wala pa rin. kung gymnastics prelims na lang nung aug9 at 10 na lang ang pinalabas e 'di sana mas masaya.
- - -
kagabi medyo late na nakatulog ang mom ko dahil sa pag-aalala sa mga kamag-anak namin sa mindanao. panu, yung panganay na kapatid ng lolo ko at yung pamilya nya e nasa maitum (sa mindanao) pa at balitang all-out war dun ngayon. balita pa na pinapatay dun ang mga christians. hay! hindi pa namin alam kung san sila tatakbo. sana lang talaga matapos na ang gulo dun.
- - -
speaking of mindanao - minsan narinig ko sa radyo yung commentary ng mga announcer. hmmm... ba't ba kasi 'di pa maayos ang consti ng pinas at maging federal na lang ang form of gov't. hayaan na may autonomy ang bawat 'regions'. ganun... pero kung magkakaganun, pangit. kasi naman, dadami ang mga ka-federasyon! ahahaha!!
hmmm... what if bitawan na ng pinas ang mindanao? since lagi magulo sa ibang parts dun, hayaan na sila ang maglabo-labo! kaya kaya nila magsurvice na sila lang? well, siguro sa dami ng international fundings dun ngayon. pero syempre, since may magic word na funding papayag ba naman ang gobyerno natin na wala silang kick-back sa ganun? saka, panu na ang del monte? ang dole? imported na ang lahat ng fruit cocktail natin kung ganun. mahal na maghanda pag fiesta at pasko. ganun? pero siguro naman, makakatikim na ako nung saging from mindanao na super kinis at malaki ('di gaya ng saging dito na maiitim at lamog) dahil mag-eexport na rin sila sa atin (kasi naman for export lang ang mga sosyal na saging e).aside from fruits, mababawasan na ng congressman from mindanao like zubiri. tapos kelangan na ng visa 'pag bibisita sa tourists spots sa mindanao? sad naman kasi 'di pa ako nakakaapak sa mindanao.
pero seriously, sana talaga matapos na ang dapat matapos dun. peace na lang sana dun.
- - -
balik tayo sa olympics... hay! kada 4 na taon lang nagkakaroon ng ganun. ba't ba walang matinong coverage? yung mga videos sa youtube, pinag-aalis. asar naman!
Monday, August 11, 2008
tayp tayp
Posted by dean at 5:05 PM
Labels: living my life, thinking out loud
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
"what if bitawan na ng pinas ang mindanao? since lagi magulo sa ibang parts dun, hayaan na sila ang maglabo-labo! kaya kaya nila magsurvice na sila lang? well, siguro sa dami ng international fundings dun ngayon."
hindi pede. pinuprotektahan ng konstitusyon ang territorial integrity ng bansa. At non-negotiable yan.
At syempre sineryoso ko. haha.
haha! tama ka ambassador yoshke!
Post a Comment