medyo giniginaw ako. sabi naman ng kaopisina ko, medyo kulang nga raw yung lamig ng aircon. kahapon, habang bitin sa lamig ang lahat, ako giniginaw. 'di pa ata ako magaling. nung isang linggo kasi, ginaw na ginaw ako. yung jacket na nakatago sa drawer ko, nagamit ko tuloy. tapos lumabas ako ng opisina, naglakad papunta ng bus terminal, at kahit madilim na at alam kong mainit pa dahil sa mga pawis ng mga nakakasalubong ko, wala man lang bahid ng pawis na lumabas sa akin. kakaiba.
- - -
nakaliban ako ng 2 araw sa trabaho nung isang linggo. plano ko kasi tapusin yung term project at iba kong requirements sa grad school. tapos anniv pa ng mahal kong lolo. e dahil giniginaw ako sa byahe ko pauwi, natuluyan na ako ng lagnat. kinabukasan, pati lalamunan ko sumama. yung plano ko na tapusin hindi ko na nagawa. hindi ko rin nakausap yung mga kamag-anak ko na nag-uwian dahil 2 araw akong nakahilata sa kama, balot na balot ng jacket at kumot.
nung gumaling ako nung sabado, babad ako sa paggawa nung project ko. panu, deadline na kasi sa hatinggabi. habang nakasalang ang dvd ng the practice season 5, tinuturuan ko muli ang sarili ko mag-java at umiisip ng diskarte kung panu tatapusin ang proxy server application kong ginagawa. nakalimutan ko na ngang magtanghalian nun. siguro dahil na rin wala pa ako gana kumain dahil naninibago pa panlasa ko (which is so not me!). pinilit ko lang din kumain nung hapunan na para naman makapagbreak ako at relax ng konti.
30 minutes bago yung deadline, natapos ko yung project ko. buti nakapagpasa ako sa oras - opo, online kami nagsubmit sa aming moodle. nagulat na lang ako, yung dvd na sinalang ko, tapos na pala. ni-hindi ko nalaman kung anu nangyari. buti pa tatay ko, nawili sa kakapanood.
- - -
hindi muna ako pinayagan ng aking mader-dir na magtaebo nung lunes. sabi nya bili pa raw ako ng antibiotic ko at buuin ang isang linggo na pag-inom ng gamot. di nga ako nagtaebo. pero di rin ako tumuloy sa pag-inom ng gamot. yung diet ko (matapos kong maglose ng mahigit 10 pounds), natigil muna dahil wala pa ako lakas hanggang ngayon. ayan, lamon na naman tuloy. tapos heto, giniginaw na naman ako at pinapakiramdaman ko kung may tonsilitis na naman ako. balak ko pa man ding magexercise at diet na uli bukas pero mukhang mapopostpone na naman. feeling ko tuloy bumabalik na uli yung nawala kong timbang. hay buhay!
- - -
hay, dami ko iniisip lately. ayoko munang mag-emote. ewan ko ba, di ko nisusulat kung anu ang mga iniisip ko. siguro dahil pag nalampasan ko yung mga yun, ayokong mabasa na pinagdaanan ko ang mga ganung bagay. kahit naman kasi ngayon, in denial ako sa mga nangyayari. buhay nga naman.
Tuesday, September 23, 2008
updayt lang
Posted by dean at 12:52 PM
Labels: living my life, school days
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
nasa gradschool ka rin pala bro.. at may sakit rin. we have two things in common. hehe.
Post a Comment