Monday, May 12, 2008

stick it

sa kainitan ng panahon (kahit bumabagyo bagyo na sa ibang parte ng 'pinas), hindi na ako nakalabas para bumili ng piratang dibidi. (ok, sana hindi ako mahuli nina edu.) wala kasi kaming kaybol (dahil sayang a weekend lang may tao sa bahay) kaya sinusulit na lang namin ang dibidi player namin.

imbis na mainip sa walang katapusang tv series, lumang pelikula na lang ang pinanood namin. syempre, anu pa ba ang papanoorin ko kundi yung may walang katapusang pagtambling-tambling. napanood na naming magkakapatid ang
bring it on nung nakaraang linggo (take note: kumpleto kami sa 4 na titles at pinanood namin silang lahat), nakapag-step-up marathon na rin kami, pati you got served at stomp the yard tapos na; ultimo ice skating movies na cutting edge (1 and 2), ice princess, at ice castles ay napagsawaan na namin. so, no choice kundi ang ever payborit kong stick it ang pinanood namin.

syempre, dahil sa mahilig akong manood ng paulit ulit ng mga pelikula, lagi na lang akong tinatawanan sa bahay lalo na sa mga eksenang tinatawanan ko pa rin kahit ilang beses ko nang napapanood. e sa yun ang gusto ko e!
anyway, eto yung isang part na aliw na aliw ako (panoorin nyo yung chinese-american girl):


katuwa di ba?
super pasaway!

speaking of pasaway, heto yung mga clips na sumisira sa paborito kong isports. hay! subukan bang pagsamahin ang dalawang magkaibang klase ng
sports! nakakapanggalaiti talaga!


kung hindi ba naman nagpapakamatay sa haba ng routine yung babae... saka, patawa yung
camera tricks.. super halata!

at heto pa, syempre hindi magpapahuli ang mga pinoy sa pagpapasaway. ewan ko ba, pero ang bobo talaga nung gumawa nung commercial na ito:


anyway,
olympic season na... hindi na ko makapag-intay panuorin ang mga paborito kong manlalaro...

6 comments:

ayzprincess said...

ano bang fave mong laro??

mahilig ka pala sa dance movies! pahiram naman ng step up 2 at bring it on 4. ahahah :D

Anonymous said...

Pinanood mo isa sa fave movies ko... Cutting Edge! Toe pick! Meron ding Cutting Edge 3...

:D

Anonymous said...

Hi Dean, would you like to exchange links in my blogs? If you are interested, please let me know so that I will add you soon. Thank you and have a great day.

These are my blogs:
1. http://www.thingsthatgobump.net - Things That Go bump
2. http://www.afterworkinghours.com - After Working Hours
3. http://www.easyearningdollars.com - Easy Earning Dollars
4. http://www.wordsonthetipofmytongue.com – Words of my Tongue

Anonymous said...

Salamat sa pagdaan sa bago kong blog.


















pakipalitan na lang po yung url ko ha. yikee. =)

blackdarkheart said...

gusto ko ding matutung mag"tumbling" eh. si nadia comeneci at olga korbut ang parati kong pinanunuod sa yoochoob! maganda yung sa uneven bar nila nung montreal olympics kopong kopong years ago. si nadia kasi napaka finesse ng galaw at perfect talaga yung execution sa bar, si olga naman ay magaling technically pero walang grace.

Denis said...

nice blog!

i added you in my blogroll.

hope you can include me in your

hot blogroll list too.hehe

thanks.

http://elclaves.blogspot.com

-the menace