umuwi ako nung friday na nag-eexpect na nasa bahay ang mom at mga kapatid ko at may food pa na nakatabi para sa akin. almost every week, ganun kasi ang nangyayari. pero nung umuwi ako, walang tao sa bahay, walang pagkain. ang lungkot.
sobrang napagod ako sa byahe ko. 'di ko na rin natiis ang kalam ng sikmura ko, buti na lang lucky me dahil may instant pancit canton pa sa tindahan ni lola. carebear na kung mamatay ako sa pacute pancreatitis sa pagtulog ko matapos kumain ng pancit canton basta busog ako bago matulog.
buti na lang may mga dibidi akong nabili kaya pinalipas ko muna ang kabusugan ko bago natulog. napaisip tuloy ako habang nakatunganga sa harap ng tv. nawari ko, wala man ang pamilya ko, masaya ako at nakauwi ako sa aming tahanan. siguro nga, dapat masanay na rin ako sa ganito. 'di na magtatagal, tuluyan na ring bubukod ang mga kapatid ko. darating ang panahon na minsanan na rin kung magkita kami.
Tuesday, August 5, 2008
home
Posted by dean at 6:21 PM
Labels: family matters, thinking out loud
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
haaaaaay..... :-)
pakiramdam ng kumpleto ang pamilya...mas masaya!..:)
same setup with you. (we're just three now in the family, lahat ng kapatid ko ay nagpamilya na..)
so pag-uuwe ako sa bahay na wala ang parents ko- it means NAGDATE SILA!
Post a Comment