Friday, January 9, 2009

new year

january 9 na pala. 'di ko man lang napansin ang bilis dumaan ng mga araw. p'anu ba naman kasi, dami ko pinagkakaabalahan. una, new job. syempre since iba na workplace ko, iba na rin tinitirhan ko.

sa haba ng bakasyon parang ang dami kong nagawa, pwera magdiet. hehe! ultimo pasko, habang ang mga kapatid ko ay umalis papunta sa kani-kanilang lakad, at ang aking mom ay bumisita sa kapatid, pinili kong magstay sa bahay. naisip ko, aba malapit na new year at ang kalat kalat ng kwarto ko kaya ayun, naglinis na lang ako. naglinis = nagwalis ng sahig, floorwax, rearrange ng kama at mga lamesa at mag-ayos ng movie collection ko (movies ha, hindi porn dahil wala ako nun!).

nung dec. 27, lumuwas naman ako ng makati para maghanap ng lilipatan. bigo ako. sayang ang pagod at pamasahe. totoong mas mahirap maghanap ng bahay kaysa ng trabaho. hay! pagkatapos ng new year, lumuwas uli ako para hanap ng bahay. sumama mom ko para makita kung san ako titira at para makapagshopping na rin sya habang asa kamaynilaan. since ayaw ko na mapagod kumuha na lang ako ng bedspace sa isang condo. wala kasi solo room for now kaya dun muna ako hanggang may mabakanteng solo na room. jan4 nung lumipat ako. tiempo, natuloy ang lagnat ko. buti natulungan ako ng bunso kong kapatid na magbuhat ng mga gamit sa dati kong apartment (na sya na ang nakatira ngayon). gabi bago ang unang araw ko sa work, ang taas ng lagnat ko.

kinabukasan, medyo ok na pakiramdam ko kaya nakapasok ako. nakita ko mga makakasama ko sa work at lahat sila mababait. kabiruan na nga kami agad lahat e. syempre kami kami magkakaclose kasi kami mga unang tao sa team. yung company, kahit bangko ay hindi naman mukhang naghihirap global financial crisis. p'anu ba naman kasi, daming libreng food. bukod sa libreng kape at iced tea at milo na common sa mga opisina, may libreng canned softdrinks bottled juices pa (tipong C2, fit n right, delmonte pineapple juice, etc). sosyalin di ba? at di lang yun ang libre, daming cereals like koko krunch, kellog's, saka yung 2 pa na klase na hindi ko alam tatak kasi nakalagay na sa bote e (sorry ha, tapsilog lang kasi alam ko breakfast). syempre may kasamang milk. may oatmeal din. but wait, there's more! bukod sa cereals ay may tinapay pa. take note, gardenia... may white bread, wheat bread at yung may raisins pa. kumpleto spreads, mula sa cheesewiz, mayo lite, yeast spread (mga expats na bumbay lang ata kumakain nito), jams, peanut butter, cream cheese at marami pang iba. tapos may tuna, pickles, cheese slices pa. minsan may german franks pa or salami or ham. tapos may fruits pa! tapos may iba't ibang cup noodles pa. 'di kami magugutom sa office kaya goodluck na lang talaga sa diet. libre lahat yun. sa dami ng food kahit tinapay at cereals e solved na ko at 'di ko na kelangan maglunch out. at heto, tuwing friday e may libreng lunch pa kami, bukod sa usual food sa pantry. pagkain pa lang, neto na. the best part, every friday may free drinks. drinks = alcohol. so may beer sa ref every friday.

sad nga lang kasi medyo hindi na ako kunektado sa mundo pag asa work ako. ala instant messaging e at limited ang internet access (dahil ayaw kong mapasama sa honor roll ng mga heavy internet users lalo na kung non-business related). buti na lang may nasasagap akong wifi sa kwarto pag umuuwi ako. swerte nga naman.

so, 'musta naman ang new year ko? well, kahit nagkasakit ako (dahil sa lamig ng panahon na gusto ko naman) e masasabi kong maganda ang 2009 ko. anyway, syempre depende pa rin sa akin kung anu mangyayari sa buhay ko. hope lang ako for the best.

2 comments:

ms. choy said...

happy new year :)
nice blog.
care to exchange links?

-phaelun

Anonymous said...

andami ngayong naghahanap ng malilipatan. haha, wala lang. napansin ko lang.